A Travellerspoint blog

Mahaderang Screenwriter Celebrates...

Celebrations. Confessions. Confirmations.

Sa pagpapatuloy ng month-long The Bash Back to Back to Back Celebrations. Confessions. And Confirmations.

maha.jpg

Belated Happy Birthday to Mahaderang Screnwriter!

Medyo na-delay ang pagkakalathala nitong item na ito dahil na rin sa kahilingan ni Mahaderang Screenwriter.

Days before his birthday kasi ay medyo on the rocks ang kanyang lovelife at medyo depress-depressan sya ng kaunti. Pero ngayon ay super-balik ligawan na naman daw sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Good for you, Maha!

And enjoy the "prutas" that he brought you!

We love you!!!

Posted by postergurl 11:42 Tagged gay_travel Comments (0)

Ang Pagpapatuloy!

The Bash Back to Back to Back Celebration, Confessions & Confirmations

celebration.jpg

Happy Birthday to Machong Callgirl!

Abangan ang kanyang inihandang pasabog!!!

So while may I stop, look, laugh and listen kami ni SC4 sa local Miami girl na bumibirit ng Rihanna song...

"I dun wanna be... a mor-de-rare..."

ay may I follow-up naman ako sa chika ni Syosa Sosyalera about the set of jewelries na natanggap ni Respetadong Aktres na si "T".

Syosa Sosyalera: "It was from T. TV Reality Show Director daw."

Pansamantalang naputol ang chikahan namin ni Syosa nang humiyaw na para sa finale part ang local Miami girl...

"Ay dun wana beeeeee... a motherer...."

Magbabalik!

Posted by postergurl 15:21 Tagged gay_travel Comments (0)

SC 4, Muntik nang Malunod

The Bash Express!

gd.jpg

Muntik na ngang malunod si SC4 noong Linggo while nagsu-swimming ito sa nakaraang Miami Get-away Celebration ng Rich Heiress na si Tina.

Buti na lang at nasagip sya ng hunky friend ni Tina. Gimik nga lang ba ito ni SC 4?

"I was snorkeling at medyo napalayo ako sa grupo. Nakalunok ako ng tubig kaya nga-panic ako. I was screaming for help buti na lang at nasagip ako ni Mickey."

Posted by postergurl 15:04 Tagged gay_travel Comments (0)

More!!!

Celebrations. Confessions. Confirmations.

Prior to departure ay nagpang-abot kami ni Female Vocalista with her friend sa Duty Free. Nangako naman si FV na magbibigay sya ng full statement tungkol sa kanyang latest issue.

Hapon na nang makarating kami sa Miami with matching salubong ng sangkaterbang mga keks (purong straight keks ito huh) na mga friendship ni Tina.

Habang di magkamayaw ang mga mata ko sa magagandang half-naked na mga tanawin ay di naman magkamayaw ang mga emails, text messages at calls na natanggap ko from our walang pahingang mga Celebrity Bashers:

Ito ang naging bunggang-bunggang mga patikim na intriga na talagang pagpipiyestahan like "all-you-can-eat" buffet!

Macky Makati: "Day! Na-sight ko si Morenang Aktres kahapon with her new-found love. In fairness, mukhang puwede namang mag-showbiz ang kanyang papa. Sana move-on na move-on na nga talaga sya with Playboy Director."

Thalia Talakera: "Ate, may nasagap akong tsismis... di naman daw totoong man-hater si Supermodel Actress. Ang chika diumano ay ang friend lang nya na si Sporty Actress ang talagang ayaw nang ma-inlabiba. Pero ano pa't nali-link daw ito sa isang Cutie na Radio Announcer na involved sa kapwa Radio Announcer na dating na-link kay Machong Callgirl na ngayon ay happily inlove na nga with Hot Sexy Actress."

Syosa Sosyalera: "How are you POV Gurl? Can't wait to see you kaya I will tell you na lang what I made sagap this morning while I was in the dressing room. Somebody daw made givang a set of jewelry to Respetadong Aktres before she left??? Hmp! If I know it was just inutang from Tita Anabelle! I called Respetadong Aktres and she told me na it was given to her by T..."

...toot!
Ay... wait! Lowbatt!

Welcome to the Christian World to my inaanak na si Martina Gabrielle!

Posted by postergurl 13:49 Tagged events Comments (2)

The Bash B to B to B Celebrations

Celebrations. Confessions. Confirmations.

So DaHu na nga si Kagalang-galang na Director?

ja.jpg

Minsan nang lumabas ang isyung ito noong nakaraang taon pero di gaanong kumalat dahil na rin sa mga restraining orders na natanggap ng show. Nagsimula ang tsismis nang marinig sa isang Fashion Event na nag-uusap usap ang mga Supermodel celebrities sa backstage at doon na nagsimulang nagpasikot-sikot ang tsismis sa upper-eastside circle. Minsan na ring kinumpirma ng inyong lingkod nang makapanayam ko si Indie Actor na naka-duet ko sa isang variety show at umaming naka-"duet" nga rin nya si Kagalang-galang na Direktor. Kinumpirma din ito ni Fabulosang Model-Disc Jockey nang maka-duet din nya ang isa sa mga naging sort of ka-affair ni Kagalang-galang na Director who happens to be a bottom-less iced tea kuno all through-out the relationship.

So DaHu si Kagalang-galang na Director?

Ayoko na munang magbigay ng clue noh, pam-bertdey ko na muna yon sa kanya!

Posted by postergurl 13:21 Tagged gay_travel Comments (0)

The Bash Back to Back to Back Celebrations

Celebrations. Confessions. Confirmations.

Happy Birthday to my former co-star sa (now-defunct) Pugad Baboy versus Spice Girls na show,

my favorite "Cruz" cousin, Tina!!!

I love you!!!

So, heto na ang isa sa mga main course ng ating Back to Back to Back handaan!

Sabado morning. Ika-14 ng Marso.
While waiting for my flight to Miami to attend the bunggang-bunggang exclusive get-away birthday party ng Rich Heiress former PBvsSG sitcom actress na si Tina ay isang text ang aking natanggap mula sa The Bash Correspondent nating si Taliban Ponces:

"Playboy Director at Telenovela Actress, PDA to the max sa lahat ng sulok ng TV station."

Me: "Haller??? San ka ba galeng? Matagal na kayang PDA ang dalawang itetch!"

Taliban: "Uu nga. pero ang mas nakakalukah ay kung dati ay super-deny to the max ang controversial couple na ito pero ngayon ay "yes na yes we are we are" na ang show ng couple na ito."

Me: "Ganun? So may I post na rin ako sa kanilang calendar of events and where have-beens together alone? Kesehoda pa man, eh ano ngayon kung sila na nga? Eh tanggap na ng madla ang kanilang affair noh!"

Taliban: "San ba ako nanggaling? Sige na nga, babush! Enjoy your Miami trip!"

I-congratulate naman natin ang ating Controversial Couple for the past few months, may basbas na rin kayo sa wakas from The Bash!

Di pa man nag-iinit ang phone ko ay another text message naman ang aking natanggap coming from our Celebrity Basher Dolly Daldal:

Dolly: "Scoop! Scoop! Remember Kagalang-galang na Direktor? The one you told me na naka-duet mo ang kanyang kanyang naka-duet rin na nagsabi na super-bottomless iced tea pala ayesh???"

Magbabalik!

Posted by postergurl 10:51 Tagged events Comments (0)

Back to Back to Back Celebration

The Bash to the Max

celebration.jpg

Bunggang-bunggah ang weekend ng inyong lingkod at bunggang-bunggah din ang handa kong mga chika!

Event #1: Mag-dyowang May Mga Dyowa

Umpisah natin sa Intimate Send-off Dinner party ng friendship ko na International Model na endorser ng luxury cars.

Biyernes. A-trese ng Marso.
Habang nakikipag-intimate chikahan ang inyong lingkod in 7 languages ay dalawang pamilyar na mukha ang nakita ko na nag-iintimate lingkisan across our table in the dark corner of the posh restaurant na aking kinasasadlakan. So familiar na talagang na-identify ko kaagad in 15 seconds ang celebrity couple na itetch!

Ang Isyu:

Wrong partners ang nagdi-date na celebrity couple na nahuli ng ating The Bash camera. Uu. Hindi nila mga ka-current relationship ang ka-date nila kungdi silang dalawa. Ewan ko ba kung behind lang talaga ako sa chika pero within the past voidable period ko pa nang maka-beso beso ko ang one of the couples.

DaHu sila?

Si gurlaloo ay very sikat in her kontrabida roles sa daily afternoon programming while si boylet naman ay knowing rin sa lahat ng sulok ng upper-east side dahil sa kanyang hilig sa pamamangka sa "lahat ng uri" ng ilog.

Ewan ko lang kung may I spotted nila ang beauty ng inyong lingkod pero dahil sa ako ang nataranta ay di ko na inantay pa ang aking dessert so may I exit na ako to get ready for my next invitation.

Kumukulong Clue:

Dahil birthmonth-long celebration ko at nangako ako na maging mabait this month ay pagbigyan na lang muna natin ang ating Bashful Couple na itago na lang natin sa tag na Mag-dyowang May Mga Dyowa.

Kung may kakilala kayo na duda-doubt kayo sa kanila ay mali ang magiging celebrity guessing mo unless kung friendship ka nila at willing kang i-confirm ang chikang ito sa akin. I already said na I don't post issues hangga't di ko pa kumpirmado pero ibang klase ito dahil di na kailangan pa ng sapat na ebidensya ang nakita ng aking mga mata.

So yan na ang unang patikim sa ating bunggang-bunggang handa para sa The Bash Back to Back to Back Celebrations!!!

Magbabalik!!!

Posted by postergurl 09:54 Tagged events Comments (0)

Caught on Quote: Female Vocalista

Talak Express

female.jpg

Nang tanungin sya kung ngakabalikan ba sila ni Teeny Bopper Turned Sexy Actress:

"Pano kami magkakabalikan eh wala namang hiwalayang naganap?"

Ngunit, subalit, datapwat...

kaagad na pinabulaanan ito ni Female Vocalista at isa sa mga malapit sa kanya ang nagpadala ng kanyang Violet Reaction via text:

"Female Vocalista and Teeny Bopper officially broke up. I can attest to that." -Miss Friendship

Di ko na muna tinanong si Teeny Bopper dahil smile na sya kaagad kahit malayo pa oka! Alam na natin kung ano ang magiging sagot nya!

Magbabalik!

Posted by postergurl 10:39 Tagged gay_travel Comments (7)

DaHu si Supermodel Aktres?

meet the elitistas

n1.jpg

DaHu si Supermodel Aktres na balitang galit sa mga lalaki pero mahilig makipaglaklakan sa Tondo?

Viva Trivia!

Love na love si Supermodel Aktres sa upper-eastside dahil sa kanyang mga bunggang-bunggang punchlines, pero alam nyo ba na aside sa kanyang galing sa pagmu-model ay may kaakaibang talent si Supermodel Aktres?

Mahilig tumambling at mag-split on the air ang ating si dear Supermodel Aktres everytime na tumatalon sya sa pool, sa lawa, sa ilog, sa batis, sa dagat, at kahit sa kama!

DaHu si Supermodel Aktres?

Kumukulong Clue:

Minsan na nyang nakatalakan si JB in prints. Kakabalik lang nya galing sa Paris for her fashion show and bali-balitang left and right daw ang kanyang ka-date na mga Italian models. Yawn na yon!

Posted by postergurl 06:05 Tagged gay_travel Comments (9)

Madaldal na Aktres Susundan si Morenong Aktor

Eksklusibong Pasabog

a1.jpg

Tuloy nga ang ligaya! Magsasama na nga si Madaldal na Aktres at si Morenong Aktor sa kabilang network.

Ito ay matapos pumirma ng kontrata si Madaldal na Aktres sa kabilang bigating network kasunod ng pangangabilang bakod ni Morenong Aktor.

Minsan nang na-isyung nagkaroon ng short-lived affair ang dalawa at iniintrigang ito rin ang dahilan kung bakit nagpasyang lumipat sila sa kabilang network. Ito nga ba ay para ipagpatuloy ang kanilang naudlot na ligaya?

Bali-balitang itatampok ang dalawa sa isang bonggang-bonggang telenobela ng nasabing istasyon. Kasabay ng publisidad na ito ay ang patuloy namang pagdi-deny ni Madaldal na Aktres sa isyung namamagitan nilang dalawa ni Morenong Aktor habang wala namang kasawa-sawang "smile" lang parati ang pahayag ng huli.

Ano nga ba talaga atih at kowyah???

Posted by postergurl 05:40 Tagged hitchhiking Comments (0)

Respetadong Aktres, Susubok sa Hollywood

RevealationS

ellice.jpg

Respetadong Aktres kumpirmado na ngang papasukin ang mundo ng Hollywood.

Ngayon na nga ang huling gabi na mapapanood si Respetadong Aktres sa kanyang reality show program. Noong nakaraang buwan lang ay kinumpirma na nga nyang susubukan nya ang Hollywood.

Marami ang nalungkot dahil matagal-tagal rin ang kanyang magiging kontrata doon pero ikinatuwa naman ito ng marami dahil alam nating lahat na talagang magpapakitang gilas itong si Respetadong Aktres sa bagong mundo ng showbiz.

Ang kanyang pahayag sa pagbabalik ng The Bash RevealationS!

Posted by postergurl 05:07 Tagged women Comments (2)

Ex Ex Ex

P.O.V!

trio.jpg

Habang ina-achieve ko ang golden tan na skin sa Bahamas ay "May I" chika and check naman itong ating correspondent na si Macky Makati na confirmed ngang tinuldukan na nga ng ating hot celebrity couple ang kanilang ma-intrigang relasyon noong nakaraang linggo lang. Pero ang nakakalokah, "May I" enter naman hora-mismo si "Ex" sa eksena kaya malito tuloy ang public kung ano na nga ba talaga? At dagdag pa ng matabil na si Macky na "May I" hide lang daw muna ang break-up galore as of the moment while di pa naipapalabas ang kanilang upcoming movie. Meaning, threesome agreement daw muna ang show?

Pasensyahan na! Uunahan ko na kayo mga "gurls"! Yun na yon ang kumukulong clue huh!

Posted by postergurl 16:15 Tagged women Comments (0)

Can Ex-Lovers Be Friends?

points. opinions. VIOLET reactions.

elite.jpg

Isyu:
Pagmamahalang nauwi sa hiwalayan, hiwalayang puno ng bitter-bitteran, bitter-bitteran pero kinakaibigan.

Ex-Lover Turned Bestfriends!

Sikat na Aktres sa isyung hiwalayan ng bagong karelasyon, balikan attempt sa ex-lover nya o "kaibigan na lang" status lang ba? Alin nga ba ang totoo?

"Bitter" Off as Friends!

Celebrity couple, ayaw pa ring tantanan ng isyung hiwalayan-balikan. Bitter nga ba ang isa sa kanila kaya deny to death pa rin na gusto nyang makipagbalikan? Sobrang bitter nga ba itetch kayat ayaw nyang makipag-friend sa kanyang ex?

Why Can't We Be Lovers Only Friends?
Sikat na Aktor at Kontrobersyal na Aktres, ayaw pa ring lubayan ng kanilang nakaraan kayat nag-uumigting pa rin sa galit ang kani-kanilang mga present partners dahil nga ba "more than friends" pa rin ang tinginan nilang dalawa?

Ex-Lover Ko, Stalker Ko!

Sumisikat na Aktres ayaw pa ring tantanan ang dating dyowa kahit na ayaw na syang makita nito at harap-harapan nang dinededma kahit na gusto na lang nyang makipagkaibigan.

Tanong ng bayan:

Okay nga lang bang kaibiganin ang EX mo?

Buong tapang na sasagutin mamaya sa The Bash POV!

Posted by postergurl 13:16 Tagged round_the_world Comments (5)

Simulan na ang Intriga

Chika Minute

bash_logo.gif

Good evening Bashers!
Como y estas?
Just got back from Bahamas with hot na hot na pasalubong for everyone!
Not from Bahamas but informationas sent to Bahamas!
At syempre pa,
I know hot na hhot na rin kayo sa mga scorching intriga sa naganap na TV Special last weekend.

So, brace yourselves.
Because I have so many kuwento,
and it's all about YOU!

Posted by postergurl 08:13 Tagged events Comments (0)

Salamaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat!

The Birthday Bash

bash_logo.gif

Sa lahat ng bumati, nakisaya, naki-chika, naki-intriga at naki-BASHing sa grand month-long celebration ng inyo pong lingkod!

Maraming maraming salamaaaaaaaaaaat!

At sa mga minamahal kong mga tagasubaybay, maki-BASHing na sa mga maiinit na handa ng The Bash!

And The Bash-ing begins!

Posted by postergurl 08:03 Tagged events Comments (0)

(Entries 76 - 90 of 136) « Page 1 2 3 4 5 [6] 7 8 9 10 »