A Travellerspoint blog

Talent Manager at Kambalilong Aktres, Nagkademandahan!

Chika Minute

bstn505l.jpg

Umabot na daw sa korte ang sigalutan nina Kambalilong Aktres at ng kanyang Talent Manager dahil diumano pinapabayaan daw ng huli na masira ang career ng aktres.

Tsk! Tsk! Tsk! Matindi na talaga ang epekto ng global warming!

.

Posted by postergurl 14:29 Tagged events Comments (0)

Morning Show Hosts, Nagkainitan!

P O V

r_l-war.jpg

Naging isang malaking isyu ang nasabing paglathala ng litrato ng dalawang Morning News Anchor dito sa The Bash dahilan upang magkabangayan si Male News Anchor at si Female Segment Reporter.

Ikinabahala ito ng kanilang Talent Manager at ni-request na ipatanggal ang nasabing litrato sa show. Gayunpamay nagpahayag na si Male News Anchor na di naman big deal ang pagkaka-post ng nasabing litrato. Worried lang daw si Male News Anchor dahil "very goog-able" daw kasi ang The Bash worldwide at baka umabot ito sa kaalaman ng mga muskeet rains at baka mabahiran ng malisya at isyu.

Ayon sa isang insider ay personal daw ang dahilan ng kanilang sigalutan at pinalaki lamang ito nang pagdudahan ni Male News Anchor si Female News Reporter na nagkalat ng pics dahil sya lang daw diumano ang may hawak nito. Nauna nang pinabulaanan ng The Bash na galing ito kaninuman sa mga kasamahan nila sa Morning News Program.

Nakapanayam rin ng The Bash ang other person in the photo na si Premyadong Newscaster at wala rin syang dahilan para gawing big deal ang pagkaka-post ng nasabing picture.

Hangarin ng The Bash na maresolba ang isyung ito sa pagitan ng dalawang mamahayag. At sana naman ay wag nang palakihin pa dahil wala naman talagang isyung umiikot nang ilathala ang larawang iyon na kuha sa birthday party ni Rufa Mae Kwento..

.

Posted by postergurl 11:31 Tagged round_the_world Comments (0)

Happy Birthday Teeny Bopper!

meet the elitistas

april.jpg

Wish you all the bash!!! We love you!

.

Posted by postergurl 15:25 Tagged events Comments (0)

Awayan ng Dalawang Premyadong Aktres, Lumalala na nga ba?

Eksklusibo!

fight-girls.jpg

Lalong umiinit ang awayan ng dalawang premyadong aktres na pawang taga-Upper Eastside, ang dahilan umano ay agawan ng dressing room!

Ano ba yan?

Kilalang matalik na magkaibigan pa naman itong dalawang aktres na tawagin nating si Bigatin 1 (B1) at Bigatin 2 (B2). Ayon kay B1 ay nagsimula diumano ang iringan at bangayan nilang dalawa simula nang makigamit si B2 sa kanyang dressing room at kalaunan ay akuin na ni B2 ang tokador. Although hindi naman talaga personal dressing rooms ang ginagamit nila sa show pero ang ipinagtampo lang daw ni B1 kay B2 ay parang sinasadya ng huli na unahan sya sa dressing room. Ang isyu ni B1 ay masyado nang nagiging insensitive diumano si B2.

Nang kunin ng The Bash ang pahayag ni B2 ay tila di nya alam na ito ang dahilan ng tampo ni B1 sa kanya. Ayon na rin kay B2 ay makikipag-ayos sya kay B1 at di na kailangan pang malaman ng press.

Sana nga ay magkaayos na kayong mag-"B"estfriends!

.

Posted by postergurl 10:37 Tagged women Comments (0)

If A Picture Paints...

295.jpg

Noong nakaraang linggo ay nai-post ng inyong lingkod ang litrato ng dalawang malalapit na kaibigan sa "Comment on This" portion ng show. Ito umano ay naging dahilan ng di pagkakaunawaan ng dalawa. Humihingi po ng despensa ang kabuuan ng show dahil na rin sa di-pormal na pagpapaalam ng inyong lingkod sa dalawang taong nasa larawan. Nakuha po namin ang litrato sa isang public profile at walang masamang intensyon o anumang malisya ang naging paglathala ng The Bash sa nasabing larawan.

Muli po ay humihingi ang inyong lingkod ng taos-pusong paumanhin!

.

Posted by postergurl 09:29 Tagged round_the_world Comments (0)

Ngayong Linggo

Sa The Bash!

Mga nakatagong relasyon, ilalahad na!

Sino nga ba ang tinatagong boyfriend ni Socialite Sexy Actress sa network?

Real score na namamagitan kina Sikat na Diva at Hunky Morenong Actor, isasawalat!

Misteryosong Actor at Morning Show Host, nagkakamabutihan na nga ba?

Battle of the Beauties!

Bigating mag-bestfriends, dedmahan!

Aktres, may tampo sa kanyang talent manager!

Telenovela Actress at Morenang Aktres, magsasama na sa iisang show!

Blush from the Past!

Ang totoong naging relasyon ni Cutie Hunk Actor at ni Teenstar at ang video na kuha kung saan umiyak si Hunky Actor, ilalabas na!

Sex Video ni Former Matinee Idol, nahalungkat!

Action Star at Male Cutie's one-night only rendezvous, nabuking!

At abangan, ang another big event ngayong linggo!

Teeny Bopper Turned Sexy actress,
Bolder!
Braver!
More Daring!
at ang kanyang Birthday Rebelasyon!!!

Abangan!

standby.jpg

Posted by postergurl 13:58 Tagged events Comments (0)

Socialite Sexy Actress sa Hollywood's 101 Best Kept Secrets

Eksplosibong Pasabog!

rmc.jpg

Ano kaya ang sekreto ni Socialite Sexy Actress at napabilang sya sa Hollywood's 101 Best kept Secrets?

.

Posted by postergurl 07:47 Tagged women Comments (0)

May Bago!

comment on this

johnchen.jpg

Mas may i-eskandalo pa ba dito?

.

Posted by postergurl 15:37 Tagged round_the_world Comments (1)

Morenang Aktres at Telenovela Actress, Nagsabunutan?

Eksklusibo Eksplosibo!

catfight.jpg

Nawindang ang aking tahimik na world for the past few weeks nang binalitaan ako ng isang upper-eastside insider tungkol sa eskandalong naganap sa harap ng TV network kamakailan lamang. At ang mga involved sa maeskandlaong early morning ay sina Morenang Aktres at si Telenovela Actress!


UU na! 5 days panis na siguro ang chikang ito, pero fresh na fresh pa rin naman ito para sa mga zombie at sa mga naki-celebrate sa akin ng semana santa (I was also out of reach via means of technology as part of my panata kaya medyo dedma ako sa mga latest chiz kamakailan).

Wala naman daw'ng sabunutan na naganap, pero ala-Cherie Gil at Sharon Cuneta in Bituing Walang Ningning daw ang eksena. Sino ang nambuhos at sino ang nabuhusan? Well, sino ba ang umiinom ng RH?

.

Posted by postergurl 13:33 Tagged women Comments (0)

Sexy Morenang Diva, Handa Nang Magpa-Devirginized!

chika minute

kiam.jpg

Handa na nga raw magpa-devirginize si Sexy Morenang Diva!

Darating na sa bansa ang Businessman boyfriend ni SMD to formally meet her family and her fans as well. Nagkabiruan na baka it's about time na para nga ialay na nya nang buong-buo ang kanyang sarili sa kanyang super gwapitong boyfriend na Canada-based.

Pero medyo bantay-sarado ang Mom ni SMD nyan dahil makakasama nila ito sa kanyang concert tours sa iba't-ibang sulok ng bansa at sa kanyang grand world tour. Well, let's wait and see!

.

Posted by postergurl 11:19 Tagged women Comments (0)

Hunky Director, nasaan na nga ba?

points. opinions. VIOLET reactions.

les.jpg

Hanggang ngayon ay di pa rin matukoy kung nasaan na nga ba at ano ang nangyari kay Hunky Director. Sinubukang kunan ng pahayag ng The Bash ang isa sa mga network executives pero walang nakuhang diretsahang sagot ang The Bash.

May haka-hakang nagbabakasyon o pinagbakasyon muna ang Hunky Director at may ilang malisyosong intrigang lumalabas na sa ngayon ay di pa makumpirma ng The Bash.

Tututukan!

.

Posted by postergurl 11:10 Tagged round_the_world Comments (0)

M. I. L.

Mga Isyung Lipatan

elite.jpg

Summer na summer na at nagbabaga ang mga intriga. Mga walang kamatayan at walang katapusang isyu ng lipatan, pangangabilang bakod at piratahan.

Ngayong linggong 'to, ilang celebrities ang kumpirmadong lumipat, lilipat, nalipat at malilipat.

Lumipat!

Playmayette Badette, kumpirmadong lumipat na!

So what? Eh, si Chubby Celeberity Correspondent lang naman ang malulungkot. Pero totoo nga bang lumipat na sya nang tuluyan dahil diumano ay naging awkward na sila ni Misteryosong Aktor from upper-eastside nang minsang lumabas sila some time ago. So what part 2?

Lilipat!

Mahaderang Screenwriter, lilipat na rin sa kalabang network!

Ayon sa aming eksklusibong panayam kay MS ay tinanggap na nga nya ang offer ng kabilang network at may isang buwan na lang syang lalagare sa kanyang kasalukuyang show.

Gayunpaman ay kinukonsidera pa rin ni MS ang pakikipag-negotiate with the upper management kung magre-renew sya o talagang ba-babu na syang talaga. Sana naman ay mananatili pa ring kabash si MS.

Nalipat!

Ilang upper-eastsiders ang nalipat kamakailan ng show at isa na dito ang favorite nating si SC3.

Ang isyu, tinanggap umano ni SC3 ang offer na malipat sa pang-umagang programa para na rin tuluyan nyang maiwasan ang di-mamatay matay na intriga between him and SC4.Ganun?

Malilipat!

Bago pa magaganap ang reformatting at reprogramming ng istatsyon ay madadagdagan na naman ang mga kapamilya't kapuso sa upper-eastside. Exciting ito. At excited ako dahil ilang bigating stars na naman ang makakasama natin 24/7. So, ngayon pa lang ay wini-welcome na ntain sila. Welcome to the bashful world!

Balik lagare muna oka mga friendships!

.

Posted by postergurl 03:10 Tagged round_the_world Comments (0)

Hunky Director, Sinibak?

meet the hottest office celebrities

les.jpg

Gaano katotoo ang bulung-bulungan na sinibak si Hunky Director sa kanyang Morning Show?

Ayon sa isang insider ay magdadalawang linggo na umanong wala na sa Morning Show si Hunky Director. Di pa matantiya kung umalis ito ng kusa o pilit umanong pinapaalis sa network. May nagsasabing humingi lang umano ito ng panandaliang bakasyon kasama ang ibang staff and crew ng kanyang show. Kung totoong hindi na nga konektado si Hunky Director sa network ay tiyak na malaking kawalan ito para sa istasyon at sa kanyang mga tagahanga. How trulili itetch???

Paano na ako at ang aking mga pangarap? Charoose!

.

Posted by postergurl 03:00 Tagged round_the_world Comments (0)

Closed for Renovation

wazzup? wazzup?

bash_logo.gif

Medyo hilo pa ako sa Holy Week vacation ko from Bahamas so bakasyon muna tayo sandali sa mga hot na hot na chiz.

Mwah!

.

Posted by postergurl 14:26 Tagged events Comments (1)

DaHu ang Straight Dahu ang Not?

meet the hottest office celebrities

Naabutan kung nagde-debate ang magkaibigang si Loofah Gutierrez at si Vetsin Barreto. Isa-isa nilang ini-screen in one glance ang mga hot male celebrities in the office with matching tags and names and terms. May I join naman ako sa dalawang mapang-okray na Celebrity Bashers.

Dumaan itong cute na cute na si Commercial Director na dating crush ni Sexy Morenang Diva at diumano'y naka-one night stand ni TV Noontime Show Host.

Loofah: Ay naku, mayette na mayette!

Vetsin: Obviously! And it's all over the news na may ka-live in partner na sya na mayette rin for 2 years.

Loofah: Pero in fairness, talagang cutie si Commercial Director. Kung wishing ka knowing talagang mahi-Hilo Kitty ka.

Vetsin: And TOP performer daw yan sa kama chameleon ayon kay TV Noontime Show Host!

Loofah: Talaga??? Bunggah!

Nakapasok na si Commercial Director sa elevator 2 ay sya namang labas ni Cutie Casting Director.

Loofah: Yan, itataya ko ang dvd player ko. Talagang straight yan!

Vetsin: Sa 'yo na dvd player mo, itataya ko katawan ko sa kanya.

Loofah: Ay... Malinis sa katawan si Cutie Casting Direcot, 'te. Di yan kumakain ng baboy noh.

Vetsin: Heh! In fairness, talagang di-makabasag pinggan itong si Cutie Casting Director noh?

To be continued

.

Posted by postergurl 15:07 Tagged round_the_world Comments (0)

(Entries 46 - 60 of 136) « Page 1 2 3 [4] 5 6 7 8 9 10 »