A Travellerspoint blog

Kina-BUSY-Han Festival

please standby

Halo Halo!

Kumusta na???

Uu na!

Matagal-tagal pong natikom ang ating Angelina Jolie lips dahil medyo hectic ang schedule ng inyong lola for the past few weeks.

Kaya naman naipon na lahat ang mga checka na bubura sa Hayden Kho-Katrina Halili Sex Scandal,
akya watch out lang at magbabalik na po ang...

bash_logo.gif

Happy Happy Birthday nga pala kay Super Negrah Nega Star!!!

Mwah!!!

.

Posted by postergurl 17:39 Tagged events Comments (0)

Hole in the Wall Episode 1

spoiler lang

elite.jpg

Ole! Ole!
Ole! Ole!
Feeling hot-hot-hot?

Abangan ang laglagan ng mga magkaka-BFF!

Beteranang Beauty Queen at Matimtimang Aktres:
dahu sa kanila ang rumarampa na walang suot-suot na salumpuwet (ano daw? i-google mo neng!) at dahu ang inumaga sa dalampasigan na may kasamang non-showbiz papa?

Volleyball Star Actress at Talakerang Aktres:
dahu ang pinakalasenggera sa kanila at dahu ang dala-dalawa ang dyowa?

Supermodel Heiress at Covergirl:
sino ang nagwala sa provincial tour at sino ang nahuli ng pulis?

At muling nagbabalik exclusively para sa HOLE IN THE WALL sina SC3 at SC4:
dahu ang magpapakasal na at dahu ang may sex scandal?

LAGLAGAN NA!!!

.

Posted by postergurl 15:08 Tagged round_the_world Comments (4)

Hole in the Wall

The Bash Edition

May bagong segment ang The Bash starting this week!
At ito ang "Hole in the Wall... LAGLAGAN NA!!!"

Kung may mangilan-ngilan na rin tayong nailaglag noon,
mas lalo itong patitindihin ng ating bagong segment.

At kung sino ang unang isasalang natin ay...

ABANGAN!

standby.jpg

.

Posted by postergurl 11:56 Tagged round_the_world Comments (0)

Pasabog na mga Pasalubong

chika express

Scudda Hoo! Scudda Hay!
Medyo busy pa po ang inyong lingkod lately,
katatapos lang po ng aming 4-day-provincial tour dahil naimbitahan po tayo ng kaibigan nating si Mestizang Aktres (na super grand-slam beauty queen pala sa Riviera Maya) to grace the festivity.

Malayo man,
abot pa rin ang chika.
Kaya naman dala-dala ko ay mga pasabog na mas matindi pa sa A H1N1 outbreak!

Kaya ihanda na ang inyong mga sinturong-pangkaligtasan para sa bunggang-bunggang pag-indayog ng...

bash_logo.gif

.

Posted by postergurl 16:31 Tagged round_the_world Comments (0)

Veteran Director at Madaldal na Aktres, Mag-on Na!

chika minute

a1.jpg

Kumpirmado na ngang mag-on ang dating taga-network na si Madaldal na Aktres at si upper eastsider Veteran Director!

Mali ang naging haka-haka noon na kaya sinundan ni Madaldal na Aktres si Morenong Aktor sa katapat na network ay upang ipagpatuloy ang kanilang romansa, pero ayon sa isang malapit na source ay agad daw na niligawan ni Veteran Director ang Madaldal na Aktres at kamakailan nga lang ay sinagot na ng huli ang director.

Ikinagulantang ito ng dating ka-sing and dance group ng aktres dito sa network.

Sing and Dance Group Member#1: "Wala talaga akong kamuwang-muwang na may ligawan na palang nangyayari noon bago pa man lumipat si Madaldal na Aktres."

Pinaka-close na Sing and Dance Group Member#2: "I know, pero akala ko sila talaga ni Morenong Aktor."

Hinihintay pa namin ang pahayag ni Madaldal na Aktres at iniimbitahan din namin si Veteran Director oras na bumalik sya galing out of the city location ng kanyang bagong movie.

.

Posted by postergurl 13:59 Tagged round_the_world Comments (3)

B1 at B2, Nagkabati na!

intriga express

fight-girls.jpg

Finally! Naayos na rin ang gusot ng dalawang Bigating Aktres. And as a token of mended friendship ay may I exchange gift silang dalawa ng Cartier ring at Manolo Blanich shoes huh! And take note, one of the people behind ng pagbabati nila ay ang napakabait na Network Manager ng upper east side.

Pero ang latest chika ay may bago na naman daw'ng ka-dedma itong si B2 at ito ay walang iba kundi si Best Dramatic Actor.

Hay naku naman no!

Happy Friendship Day!

.

Posted by postergurl 17:36 Tagged women Comments (0)

Kaya Pala Wala Pang Mahanap na Lalaki!

chika minute

tb.jpg

"Bakit ako lang ang walang mahanap na lalaki?", ito ang naging litanya ni Talakerang Aktres nang minsang hiningan namin sya ng pahayag via phone patch tungkol sa on and off na lovelife ng kanyang friendship na si VolleyBall Star Actress.

Di inaasahan ni Talakerang Aktres nang ibuking sya on the spot ni VolleyBall Star Actress,"Eh kasi naman babae ang gusto mo!"

Hysterical ang beauty ni Talakerang Aktres kaya nang makita namin sya after her shooting ay kinumpirma na ng The Bash kung totoo ang naging pahayag ni VolleyBall Star Actress. Pero buong tapang at tripleng Karylle smile ang naging sagot niya.

"Waaaahhhh! Oo. Pero I'm not an "L" huh, I'm just a bi-cycle!", ito ang walang kagatol-gatol na sagot niya.

Tinanong na rin namin sya agad kung sino ba ang dini-date nya ngayon, "Nonshowbiz. As much as possible kasi ayoko ng taga-showbiz no!"

O divah? Talagang usong-usong na sila ngayon. Mga nag-gagandahan at nagse-seksihang actresses for each other!

Bunggang-bunggah!
.

Posted by postergurl 17:24 Tagged gay_travel Comments (3)

Remembering PlayMayette Badette

Blush from the Past

badette.jpg

Kinuha akong maging Celebrity Guest Host sa sikat na "Good Morning Upper East Side!" show bilang sub ni Hunky Rockista at nakadaupang-palad ko sa dressing room sina Premyadong Newscaster at ang mahadera with a beautiful skin na si Super Nega Star. Syempre pa, may I checka to the max ang beauty ng mga lola while off-cam kami.

Isa sa mga napag-usapan namin ay si PlayMayette Badette na ngayon ay nasa kabilang channel na. According to Super Nega Star ay "i see colors everywhere" daw talaga itong si PlayMayette Badette, meaning nilalagyan nya talaga ng kulay ang lahat ng mga nagpaparamdam sa kanya just like Shimmering Model Actress na ngayon ay binansagan nang Shining Shimmering Claiming Actress (see Hunky Director ish).

According to Premyadong Newscaster ay known to be "Hired Agent" itong si PlayMayette Badette, ito ay ayon na rin daw kay Shining Shimmering Claiming Actress. Uu mga shofatid! "Hired Agent" as in BiMale-Escort-for-Hire daw si Badette! Kung nabobobita ka pa ay i-google mo na lang. Mahilig daw kasing mag-casino rubbing alcohol ang ating subject kaya sa tuwing naiipit ang pipit sa bakletch sya kumakapit. So, posibleng may I hire ni Shining Shimmering Claiming Actress si Badette? Hmmm... Kakalokah! Ayoko na munang mag-comment, baka magka-commotion na naman!

More celebrity scoops from the "Good Morning Upper East Side!" show, sa pagbabalik ng The Bash!

I would like to thank nga pala the celebrity hosts, staff and crew and the butihing director ng show na si Mommy M. Until next guesting ko dyan!

.

Posted by postergurl 22:06 Tagged gay_travel Comments (0)

News Advisory Team's Queen Bee, May Dyowa na!

meet the hottest office celebrities

a2.jpg

UU mga kafatid!!! Hear ye! Hear ye!

May I change na nga into "In a relationship" status ang ating ulitimate Queen Bee from the News Ad Team!
After nanahimik ang kanyang lovelife for so long ay dumating na finally ang kanyang Prince Charming!
At matagal-tagal na din itong dumating huh!
Mga 3 weeks ago?

Yez!
He's also from the News Ad Team from the same network but different location!
At si ulitimate Queen Bee from the News Ad Team daw ang dahilan kaya may I transfer si Mr. Prince Charming dito sa Queen City of the South!
O divah???
Trulili Love-abo na nga ba ito?

Pero may I "not yet confirmed" muna si ulitimate Queen Bee from the News Ad Team as of the moment dahil baka daw mausog just like Roxanne Guinoo's statement.

Uu nga naman,
kaya lang you better watch out ulitimate Queen Bee from the News Ad Team kasi marami-rami na ring kaming mga tawag dito sa The Bash asking kung sino ba ang "new Papa director" sa "Reality Show Programs" ngayon.

.

Posted by postergurl 17:28 Tagged women Comments (2)

Kambalilong Aktres, Naabsuwelto na!

Intriga Express

Ayon sa isang malapit kay Kambalilong Aktres ay natapos na rin ang isyung demandahan nila ng kanyang Talent Manager. Pero itutuloy pa rin daw ni Kambalilong Aktres ang planong lumipat sa kabilang network with a new Talent Manager. Kinausap na rin ng Network Execs si Talent Manager dahil na rin sa ginawa nyang pagpapabaya sa kanyang mga talents at ang naging personal na buwelta nya kay Kambalilong Aktres.

Sana nga ay matapos na ang mga awayang ito sa showbiz no!

.

Posted by postergurl 17:23 Tagged tips_and_tricks Comments (0)

Cutie Rich Director, Naaksidente!

Chika Minute

petec.jpg

Kaninang madaling araw ay nakumpirmang naaksidente si Cutie Rich Director on his way home na ikinataranta naman ng kanyang mga fans at kasamahan sa industriya. Ayon sa latest report ay slightly-injured daw si Cutie Rich Director at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital at nasa maayos na kalagayan na daw ito.

I'm so worried pa rin with my Forever Crush.

.

Posted by postergurl 17:17 Tagged events Comments (0)

Huli Cam!

The Bashagip

danica.jpg

Mestisang Aktres nahuling nagkulong sa banyo na may kasamang isa sa mga members ng The Hunks!

Hmmm...
Sasagutin yan ni Mestisang Aktres sa pagbabalik ng The Bash!

.

Posted by postergurl 17:04 Tagged women Comments (0)

Latest Bash About Hunky Director!

Eksklusibo

les.jpg

Nakapanayam namin ang dalawa sa malalapit na mga big personalities kay Hunky Director. Isa na dito ang Premyadong Newscaster turned Morning Show Host na naintriga kamakailan na naka-shortlived affair niya diumano.

At ito ang kanyang naging pahayag:

"Shortlived? Shortlived crush! Haha! No. It's not true that we had an affair. Yes, I liked him. But it was just an admiration to a director. Alam mo na Hunky Director is ka-admire admire namang talaga. Those chismis weren't true. We've worked together for more than 2 years, we've been very close. Pero love affair? Wala talaga."

"I don't know his whereabouts right now. I tried contacting him when I heard the news but I think he's out of the country. I still don't believe those chismis. I know Hunky Director, he just can't be involved in that kind of controversy."

"Gusto ko ring pasinungalingan yung lumabas na isyung naging sila ni Shimmering Model-Actress. Never naging sila. Feeling lang ni Shimmering Model-Actress na naging sila."

Kinumpirma rin ito via email ng isa sa mga Network Big Bosses na talagang nakakakilala din kay Hunky Director. At ito ang nilalaman ng kanyang statement:

To clarify, No he was not kicked out (of the show).

No, he wasn’t forced to do anything…

And YES he is still part of (the network).

He has not done anything at all and he remains clean and pure.

Whatever the chismis is --- is in its quintessential form chismis… People over speculated and over talked.

90% of the things said in the (news) are not true. That’s more than a statement of a fact. Nothing is what it seems. (smiley here)

I needed to react in defense of a great hardworking director as Hunky Director.

Very Truly Yours,
One of the Network Big Bosses

.

Posted by postergurl 15:55 Tagged events Comments (0)

Morning Show Host at Hunky Director, Nagka-Affair nga ba?

P O V

bi1.jpg

I was trying to get some updates about the missing Hunky Director so may I dial a friend and ask ako sa dati nyang katrabaho na si Playboy Director pero ibang chika ang nasagap ko from him!

Playboy Director: I still don't know where Hunky Director is right now... you can ask Morning Show Host of the Upper Eastside, for sure alam nya where Hunky Director is right now.

Me: Ay oo nga pala, kasi he directed Morning Show Host's talk show before di ba?

Playboy Director: Yes. And they were lovers too.

Ang walang kagatol-gatol na chika ni Playboy Director.

Me: Huh? Really? They were lovers pala?

Playboy Director: Yes! Pero it was a short-lived affair lang daw. Mga 11 days. Kasi Morning Show Host was jealous of Shimmering Model-Actress.

Me: Ganon ba???

I was trying to ask pa some further informations pero the line got disconnected.

Hmmm.... Ask nga natin si Morning Show Host!

.

Posted by postergurl 17:14 Tagged gay_travel Comments (0)

DaHu ang Straight Dahu ang Not Part 2?

meet the hottest office celebrities

Nagkita kaming muli nina Vetsin Barreto at Loofah Gutierrez at nagkayayaan na lumaklak ng green at black tea. Saka namang pagbaba ng isang personalidad from a Showbiz Magazine.

Vetsin: O, ayang si taga-Showbiz Mag... balita ko may promo sya na puwede nating i-avail. Payag ka?

Loofah: Hmmm... di ba balitang miyembro sya ng babaylan?

Vetsin: Uu. Pero not the babaylan that you think. Straight sya at available lang daw ang kanyang promo for the girls, girlboy at ladyboys!

Loofah: Talaga? Grabeh! I'm interested na tuloy! May I email him nga later.

Biglang nabaling ang tingin ng dalawa sa napadaang si Hip Ad Director.

Loofah: Ay yan payag ako! Sya ba yung tinanong mo kung gusto ka ba nyang gamitin?

Hmmmm...

standby.jpg

.

Posted by postergurl 14:49 Tagged gay_travel Comments (0)

(Entries 31 - 45 of 136) « Page 1 2 [3] 4 5 6 7 8 9 10 »