A Travellerspoint blog

Hunky Director, Muling Nagbabalik!

Intriga Express

les.jpg

Bumalik na ngang muli si Hunky Director matapos ang ilang buwang pananahimik tungkol sa kanyang pagkawala sa dating show!

Sa paglalathalang ito ay mag-dadalawang linggo na ngang nagtatrabaho si Hunky Director, this time, bilang isa sa mga Talent Directors ng Network's Talent Center. Patunay na mananatiling kapamilya't kapuso ang ating minamahal at hinahangaang direktor.

Matatandaang naging isang malaking isyu ang kontrobersyal na pagkawala ni Hunky Director sa dating show dahilan upang magkaroon ng samot-saring haka-haka at teyorya ang kanyang mga dating katrabaho at mga tagahanga. Walang maibigay na tuwirang sagot ang mga taong malalapit sa kanya maliban sa isa sa mga Network Big Bosses na minsan nang nagbigay ng isang formal statement para pasinungalingan ang mga malisyosong isyu na nagsasangkot kay Hunky Director. Gayundin ang isa sa dati nyang alaga na si Premyadong Newscaster. Gayunpaman, walang narinig na anumang pahayag o sagot kay Hunky Director dahilan upang mas lalong nagkainteres ang publiko.

Ngayon sa kanyang muling pagbabalik ay marami pa ring katanungang naghihintay ng mga kasagutan. Pero para sa amin na nagmamahal sa kanya ay di na importante iyon. Ang mas mahalaga, ay muli natin syang makakapiling!

Welcome back Hunky Director!

More chika sa aming pagbabalik. Babosh!

.

Posted by postergurl 14:33 Tagged round_the_world Comments (0)

Ang Pagbabalik ng The Bash!

Chika Minute!

bash_logo.gif

Buhay pa po kami!

Alam ko pong miss na miss nyo na ang inyong lingkod pero dahil sa maraming kadahilanan ay di po namin masyadong naa-update lately ang paborito ninyong palabas dahil na rin sa samut-saring kontrobersyang kinasasangkutan ng ating show. Hanggang ngayon ay hinihintay po muna naming ma-lift ang mga restraining orders dahil hindi po kami papayag na harangin ang buong katotohanan at lahat ng katutuwaan para sa minamahal naming mga taga-subaybay.

Binigyan na po tayo ng go-signal ng ating mabait na producer at kasalukuyan na pong niri-reformat ng bago nating direktor ang pagpapalabas ng new season ng The Bash - Walang Kahabag-habag! Walang pata-patawad! At sana po ay patuloy nyong tatangkilikin at paka-subaybayan ang nag-iisang... THE BASH!

.

Posted by postergurl 12:05 Tagged events Comments (0)

Sexy Morenang Aktres, Ikinasal na!

Eksklusibo! Eksplosibo!

kiam.jpg

Kaya nawawala sa show dahil ikinasal na nga ba?

Bali-balita ang sekretong pagpapakasal ni Sexy Morenang Aktres sa kanyang Canada-based boyfriend kamakailan. Noong nakaraang buwan lamang ay umuugong ang tsismis na nag-propose na nga ito sa kanya sa Boracay noong nakaraang buwan. At kahapon lamang ay may I change na ang civil status nito na "married" nang lumabas ito ng bansa- at ito daw ay para sa kanilang honeymoon!

Magdadalawang buwan na rin nating di napagkikita si Sexy Morenang Aktres sa show. Matapos syang humiling sa management ng dalawang buwang pahinga na itinaon naman nya sa kanyang kaarawan at sa pagdating ng kanyang noon ay boyfriend pa lamang. Nagawan naman ito ng paraan ng management at ng production team para i-revise ang script. Mapapanood muli si Sexy Morenang Aktres sa kalagitnaan ng show next season!

More sa pagbabalik ng The Bash!

.

Posted by postergurl 10:36 Archived in Philippines Tagged women Comments (1)

Misteryosong Aktor, May Aaminin!

Laglagan Na!

Tinanong namin si Misteryosong Aktor kung nagka-relasyon nga ba sila ni Premaydong Newscaster.

Ang kanyang pag-amin, sa aming pagbabalik!

.

Posted by postergurl 18:00 Tagged events Comments (0)

Premyadong Newscaster, Naghihikahos na nga ba?

chika minute!

Pinabulaanan ni Premyadong Newscaster turned Morning Show Host ang balitang naghihikahos na sya dahil sa pakikipagrelasyon niya noon kay Misteryosong Aktor. Sa katunayan, huli namin syang nakausap bago sya tumulak papuntang New York noong nakaraang Biyernes para mag-cover sa Christie's Michael Jackson Auction at para na rin magliwaliw.

"Those rumors are not true. It's not true na nagkarelasyon (romantically) kami ni Misteryosong Aktor at naubos ang kayamanan ko sa kanya."

.

Posted by postergurl 16:23 Tagged gay_travel Comments (0)

Premyadong Newscaster, Nagmukhang Matrona?

chika minute

drift.jpg

Ala Vicky Belo at Hayden Kho daw ang itinakbo ng relasyon nina Misteryosong Aktor at Premyadong Newscaster turned Morning Show Host dati kaya si huli ay nagmukhang matronix.

Gaano ka-trulili na nagkaroon nga daw sila ng romantic relationship before pero bigla daw na nakipaghiwalay si Premyadong Newscaster turned Morning Show Host dahil nagmumukha na syang matrona while ang bata-bata pa niya at mas bata pa sya kay Misteryosong Aktor!

Nakunan na namin ng inisyal na pahayag si Premyadong Newscaster turned Morning Show Host pero medyo naputol ang nasabing interview dahil medyo busy pa ang magkabilang kampo at kagagaling lang nya sa El Nido, Palawan para sa coverage ng "date with Echo".

Itutuloy!

.

Posted by postergurl 23:52 Tagged gay_travel Comments (1)

Parada ng mga Bituin!

chika minute

vvous.jpg

Bunggang-bunggah ang mga parada ng mga bituin sa loob ng studio ngayong gabi!

Sa aking pagbabalik...

ang The Bash King and Queen at nga Dahu is Hot and Dahu ang Not!

.

Posted by postergurl 10:51 Tagged events Comments (0)

Laglagan na... Naman!

Hole in the Wall!

elite.jpg

Bratinellang Aktres, nahuling nakipaghalikan!

Sikat na Diva, naglahong parang bula kasama ang isang newcomer model-actor!

Batikang Female Newscaster at Prinsesa ng Upper Eastside, nagwala!

Machong Direktor, may aaminin na!

Latest updates sa mga kaguluhang nagaganap sa set ng dalawang sikat na sikat na Soap Opera!

At ang mga hottest list for DaHu ang Hot at DaHu ang Not para sa nalalapit na Gabi ng Parangal!

A B A N G A N

sa Pagbabalik ng The Bash Hole in the Wall!!!

LAGLAGAN NA!!!

Posted by postergurl 11:25 Tagged events Comments (0)

Ang Pinaka-aabangang Gabi ng Parangal!

malapit na malapit na!

Ika-3 ng Hulyo ngayong taong ito.
Biyernes ng gabi.

Abangan!

.

Posted by postergurl 23:53 Tagged events Comments (1)

Former Beauty Queen, Nag-quit na sa Showbiz!

eksklusibong pasabog

queen.jpg

Yaman din at nabanggit na natin si Tsinitong Aktor ay banggitin na rin natin ang isyung pag-alis ng kanyang beautiful and sexy gf na si Former Beauty Queen.

Uu.
Kumpirmado na po ang pag-alis ni Former Beauty Queen pero di pa rin sya pinalusot ng mga nagbabagang intriga!
At di rin pinalusot ang mga malalaking pangalang pilit na idinadawit sa kanyang pag-alis sa Banana Split!

Ang mga detalye sa pagbabalik!

.

Posted by postergurl 23:39 Tagged women Comments (0)

Foursome, Wholesome!

intriga express

april.jpgfemale.jpg

Medyo nakasingit po tayo sa ating very hectic schedule ngayong nakapag-guest po ulit ang inyong lingkod sa "Good Morning Upper Eastside" show,
kaya may I singit po tayo sa kaka-send ng intriga!

Uu.
Ito'y medyo lapsed na pero for sure lalantakin nyo pa rin ito!

Uu.
Foursome...
sina Female Vocalista, Teeny Bopper, Beteranang Aktres at Showbiz Mag Editor nong nakaraang linggo sa isang mini-sportsfest para sa pa-birthday celebration ni Tsinitong Aktor!

Uu.
Wholesome...
wholesome na wholesome ang guesting ng apat dahil may I wear sila ng sportswear with matching raketa and friendly smiles witjh all the "Hi" and "Hello" ang ating lovely pairs!

Belated Happy Birthday nga pala kay Tsinitong Aktor!
Mwah!

.

Posted by postergurl 23:32 Tagged events Comments (0)

Cutie Casting Director at Sexy Morenang Aktres, Nag-date!

chika express

rommell.jpg

Talagang magngitngit sa galit ang ating Showbiz Mag Correspondent na si Dyosa Balasa ngayong kumpirmadong nahagip ng The Bash camera ang lunchdate ni Cutie Casting Director at ni Sexy Morenang Aktres!

Uu.
Pero it doesn't mean na may namamagitan na naman sa kanila...
for now!

Eh kasi nga naman Sexy Morenang Aktres is already engaged kaya wag na daw'ng bigyang-malisya ang friendly-lunchdate na yon noh!

Babosh muna!

Posted by postergurl 23:28 Tagged events Comments (0)

Busy-busyhan Festival

chika minute!

Halo!
Halo!

I miss everybody!

Medyo matagal-tagal ding na-shut ang mouth ng inyong lingkod dahil sa gabundok na work at tours,
kaya sa mga minamahal naming taga-subaybay medyo pagpasensyahan nyo na muna ang panandalian na pananahimik ko kahit na hindi ako matahi-tahimik sa mga nakakagulantang na eskandalo lately.

Uu.
May mga fresh na fresh na mga chika at isa na dito ay ang kontrobersyang kinasasangkutan ko (grrrrrr!)!
At karapatan nyong malaman ANG LAHAT-LAHAT NG ITO!

Kaya antabayanan ang mga pinakamaiinit na mga chika,
bago pa man kumalat ang mga mabibigat na mga bagahe ng mga celebrities na nag-alsa balutan na!
At bago pa man manganak ang ating mga tsismis!

Kaya...

standby.jpg

Posted by postergurl 15:49 Tagged events Comments (0)

Female Vocalista, Magpapasabog!

chika minute

female.jpg

DaHu ang makakasama ni Female Vocalista sa kanyang exclusive get-away party ngayong lumalabo na ang isyu tungkol sa kanila ni Showbiz Mag Editor at ngayong lumilihis na ng landas papalayo sa kanya si Teeny Bopper?

Well, basta ang alam namin ay masaya si Female Vocalista ngayon at magsi-celebrate na sya bukas ng kanyang kaarawan.

Happy Birthday Female Vocalista, we love you!

.

Posted by postergurl 18:34 Tagged gay_travel Comments (0)

Social Suicide o Humbling Experience?

Laglagan na!

fight-girls.jpg

DaHu ang mag-bff na si Supermodel Heiress at si Bratinella Aktres na nahuli ng mga may-kapangyarihan sa China Town???

Uu!
Blond moments!
Imagine,
two of the most sought-after celebrities got humiliated in the middle of the day in the middle of the masang crowd!

Pero,
feeling proud naman si Supermodel heiress dahil para sa kanila ay:
"It was a very humbling experience!"

And may I agree!~

.

Posted by postergurl 12:26 Tagged gay_travel Comments (0)

(Entries 16 - 30 of 136) « Page 1 [2] 3 4 5 6 7 8 9 10 »