A Travellerspoint blog

The Judy Anne Abbott Pasabog

The Bash Correspondent

mga tanong!

mga intriga!

mga pag aamin!

virginal b, virgin pa nga ba?

laman ng mga pahayagan hanggang ngayon ang usap-usapang di na nga raw virgin si virginal b at dapat raw mag palit na ito ng screen name na mas angkop sa kanya.

nung nakaraang sabado ng gabi namataan di umano si virginal b na pumasok sa kanyang condo sa sosyal na downsouth end kasama ang isang non-showbiz guy. naka akbay pa nga raw ang non-showbiz guy na ito sa kanya at halos magkadikit na ang mukha ng dalawa.

ang rebelasyon!

ayon sa mga nakakita nakakakilig daw ang eksena na nasaksihan nila.

"para silang mag-on. ang lambing ng lalaki sa kanya at binuhat pa sya papasok sa unit nya."

di pa nakuhanan ng The Bash si virginal b ukol dito.

at isang pang pag-aamin!
meron pa nga bang feelings si virginal b sa isang taga upper east side?

nung nakaraang linggo ay diumanong umamin si virginal b na may feelings pa xa kay sublte actor 1 na kabilang sa isang show sa kaparehong network nito.

sa isang statement nabanggit ni virginal b na mahirap raw ang sitwasyon nya at and sabi nya "di nya ako pinapansin eh. i would prefer to love him in a distance."

kamakailan lang nali-link din si virginal b kay subtle actor 2 at madali rin namang namatay ang isyu nung sinabi nya na wala raw siyang ibang motibo para kay subtle actor 2 kungdi purong pagkakaibigan lamang.

sino ba etong si subtle actor 1? at sino rin etong si subtle actor 2?

abangan!

UPDATE!

matapos ang mga intriga tungkol sa kanyang virginity, virginal b suminghag na!

sa isang panayam kay virginal b matapos lumabas sa The Bash ang tanong kung virgin pa nga ba si virginal b, pinagsigawan nya na virgin pa raw sya at no boyfriend since birth. sa isang statement via text, eto ang sinabi nya:

"Paano ako magkakaroon ng kasama last Sat eh I went home alone... Whoever made kalat this chismis is trying to destroy me and my reputation.. And yes virgin pa rin ako... NBSB..."

at tila hindi pa rin mamataymatay and mga intriga sa career ni virginal b. isang kilalang modelo ay di umano narinig ng mga sources ng The Bash ay umano'y nag comment sa mga sinabing eto ni virginal b.

Kilalang Modelo: "d*mn that attitude. duh! as if people would believe she is still a virgin. virgin my *ass. and she's talking about reputation. the question is, does she have some?"

uh! kakaloka talaga.

-judy anne abbott

Posted by postergurl 11:28 Tagged women Comments (0)

Virginal B., Nagsalita na!

VIOLET reaction

drift.jpg
"Hindi ako defensive... Offensive ka lang.."

Pinaabot ni Virginal B. ang kanyang pahayag via email tungkol sa isyung kinasasangkutan nya ngayon:

"this is so not true.... I was on shooting last Sat and I slept the whole Sunday..."

"Isa pa si wholesome actor was never on the picture... There was never him in the first place..."

"Paano ako magkakaroon ng kasama last Sat eh I went home alone...
Whoever made kalat this chismis is trying to destroy me and my reputation.."

"And yes virgin pa rin ako... NBSB..."

Posted by postergurl 10:36 Tagged women Comments (0)

DaHu si Virginal B.?

meet the elitistas

drift.jpg

DaHu si Virginal B. na nanatiling misteryoso ang pagka-birhen?

Nakilala natin si Virginal B. nang sumikat ang grupong Viva Onda Tres. Minsan na syang na-link kay Wholesome Singer-Actor at bali-balitang inlabiba sya dito dati. Isa si Virginal B. sa mga dahilan kung bakit tumataas ang ratings ng kanilang show dahil na rin sa kanyang galing sa pagho-host at pagka-charming at sa kanyang viriginal looks.

Pero ano itong latest intriga na nasagap ng aming The Bash Correspondent na nakita diumano si Virginal B. na may pinapasok na nonshowbiz guy sa kanyang condo unit noong nakaraang linggo?

Totoo ba ang tsismis na ito Virginal B.?

Posted by postergurl 09:43 Tagged gay_travel Comments (1)

Multi-Awarded Actress, Nawawala!

Eksklusibong Pasabog

charlie1.jpg
The Former Upper East Superstar

Eksklusibo!

Dalawang linggo nang naglahong parang bula ang magaling at beteranang aktres na ito. Wala umanong pasabi at di na sumisipot sa shooting ang isa sa pinakamagaling na aktres ng network hanggang sa mapabalita na lang na lumipat na ito sa kabilang station.

Ang Ebidensya:

Nahagip ng The Bash camera ang nasabing aktres sa lobby ng kabilang network noong nakaraang linggo pero di na sya nakunan ng pahayag dahil dali-dali itong pumasok sa conference room ng nasabing istasyon.

Ang Pasabog:

Ayon sa isa sa malapit na kaibigan ng aktres ay sekreto nga itong pumirma ng kontrata sa kabilang network matapos nitong magdesisyon na iwan ang kanyang on-going show. Dagdag pa nito ay matagal na ngang nagdesisyon ang aktres na lumipat habang tinatapos nya ang ilang huling importanteng episodes ng show.

Pinagsisikapan ng The Bash na makunan ng pahayag ang aktres pero ayon sa malalapit sa kanya ay magbibigay sya ng kanyang opisyal na pahayag sa nalalapit na araw kasabay ng kanyang launching sa kabilang TV network.

Posted by postergurl 07:04 Tagged round_the_world Comments (0)

DaHu si Comedian Actor?

meet the elitistas

jan.jpg

DaHu si Comedian Actor na nali-link ngayon kay Best Dramatic Actor?

Ayon sa aming bunggang-bunggang source ay more than friendship na daw ang turingan nilang dalawa. May asawa pa naman at anak si Comedian Actor at may girlfriend din si Best Dramatic Actor. Ano ba itesh???

Minsan nang na-link si Comedian Actor kay maldetang Aktres, Bratinellang Aktres, Sikat na Diva at kay Kulot na Sexy Actress. Kilalang "takuza" (takot sa asawa) si Comedian Actor.

Ang Eksklusibong Pasabog:
Pinunit diumano ng asawa ni Comedian Actor ang lahat ng kanyang undies dahil sa tinding selos nang minsang um-attend ito ng party kasama halos lahat ng celebrities na na-link sa kanya at ngayon ay nagsho-shooting ito na walang suot na underwear.

Kakalokah!

Ito na ang muna ang huling nakakalokang The Bash: DaHu? for today.

At mamaya! sa The Bash: DaHu?

Sinu-sino ang mga sikat na The Bash Celebrity Correspondent na magpapasabog, magpapasambulat ng mga bunggang-bunggang chika sa loob at labas ng upper-eastside! At marami pang DaHu???

Ja mata ne!

Posted by postergurl 15:18 Tagged round_the_world Comments (0)

DaHu si Madaldal na Aktres?

meet the hottest office celebrities

anna.jpg

DaHu si Madaldal na Aktres na naka-one night stand ni Morenong Aktor?

Uu, mga misis! Di na tigang si Madaldal na Aktres at marami syang rason para mag-celebrate! Nangyari diumano ang romantic encounter na ito noong kasagsagan ng Sinulog Festival! Pero deny-to-death si Madaldal na Aktres na love nya si Morenong Aktor.

According to her...

Madaldal na Aktres: "We're just friends. Friends with benifits! Hariiig!!!"

So, i-expect nyo na kung sino ang unang magtatalak sa isyung ito. Hehe! Yun na yun!

Posted by postergurl 14:27 Tagged round_the_world Comments (0)

DaHu si Teeny Bopper Turned Sexy Actress?

meet the elitistas

april.jpg

DaHu si Teeny Bopper Turned Sexy Actress na kamakailan lang ay humarap na sa press para kumpirmahin ang kanyang bagong "love" na si Serious Dramatic Actress?

Lately lang ay sumabog ang isyung hiwalay na sila ng kanyang partner na si Female Vocalista at ngayon ay kumpirmado na ngang sila na ni Serious Dramatic Actress. Wala pa mang pormal na pahayag galing sa dalawa ay batid na ito ng buong network at ng mga big bosses dahil sa sobrang ka-sweetan na pinapakita nila sa isa't isa sa set.

Posted by postergurl 13:59 Tagged round_the_world Comments (0)

DaHu si Bratinellang Aktres?

meet the elitistas

bratinela.jpg

DaHu si Bratinellang Aktres na napabalitang super hurting pa rin ang heart kaya di sya sumipot sa kanyang TV show for 2 days?

Laman sya ng pahayagan kamakailan dahil sa di mamatay-matay na isyu tungkol sa kontrobersyal na hiwalayan nila ni Singer-Aktor noong nakaraang taon.

Ayon sa aming source ay si Singer-Aktor pa rin daw ang dahilan ng kanyang mga momentary depressions sa kadahilanang halos araw-araw pa rin nya itong nakikita sa condo unit na tinitirhan nila.

Posted by postergurl 13:13 Tagged gay_travel Comments (3)

DaHu si Female Vocalista?

meet the elitistas

female.jpg

DaHu si Female Vocalista na bago lang nakipag-break sa isang Teeny Bopper turned Sexy Actress at ngayon ay inlabiba sa isang Showbiz Mag Editor?

Pa-low profile lang itong si Female Vocalista pero "rock" kung bumanat. Nanatiling tikom ang kanyang mga labi nang mapabalitang naghiwalay na sila ng magandang si Teeny Bopper turned Sexy Actress.

Pero kamakailan lang ay naging bulung-bulungan ang balak nitong panliligaw kay magandang tsinitang Showbiz Mag Editor. Ayon sa isa naming source ay malapit nang maging mag-MU ang dalawa pero ito ang kanyang naging pahayag nang kapanayamin namin sya.

Female Vocalista: "We're still on the getting-to-know-each-other-stage. I can't say na love na ito pero... I like her kasi mabait sya. Let's see."

Abangan si Female Vocalista at ang kanyang mga pahayag sa unang pagkakataon sa The Bash: TRUE CONFESSIONS!

Posted by postergurl 12:26 Tagged women Comments (1)

DaHu si Respetadong Aktres?

meet the hottest office celebrities

respetado.jpg

DaHu si Respetadong Aktres na nagpapakidnap sa sarili nyang boyfriend at mahilig mag-check in sa lahat ng hotels sa Cebu?

Kilala ang kagalang-galang na aktres dahil sa kanyang maamong mukha at mababait na roles. Ayon sa aming source, mahilig din daw uminom si Respetadong Aktres at minsan na syang natsismis na nakipagharutan sa loob ng dressing room sa isang Tsinitong Aktor dahilan upang umiyak si Beauty Queen Turned Actress dahil sa tsismis ng nakaraan ni Respetadong Aktres at ni Tsinitong Aktor.

Posted by postergurl 11:48 Tagged women Comments (2)

DaHu si Donya-donyahang Aktres?

meet the elitistas

maldetah.jpg

DaHu si Donya-donyahang Aktres na halos araw-araw ay nagka-casino?

Ayon sa aming source ay kilalalng "mahilig" si Donya-donyahang Aktres sa casino at sa "dyugdyugan" kaya pagdating nya sa shooting ay nagiging si Gotch Queen na sya. Sumikat si Donya-donyahang Aktres dahil sa kanyang natatanging pagganap sa pelikulang "Vampire, Vampire!"

Posted by postergurl 11:28 Tagged women Comments (1)

DaHu si Maldetang Aktres?

meet the elitistas

queenbee.jpg

DaHu si Maldetang Aktres na kilala sa kanyang kamaldetahan at pagka-lasenggerah?

Sa unang tingin ay di mo aakalaing malakas uminom si Maldetang Aktres at di mo aakalaing napakataray nya in person. Kamakailan lang ay napabalitang nakikipaglaklakan si Maldetang Aktres na ang kasama ay puro mga kalalakihan. Walang bf ngayon si Maldetang Aktres pero minsan na syang na-involved sa isang playboy na director at napagkamalan pang ka-on ni Machong Director dati.

Posted by postergurl 10:35 Tagged women Comments (0)

DaHu si Hot Sexy Actress?

meet the hottest office celebrities

hot.jpg

DaHu si Hot Sexy Actress na kinumpirma na ang kanyang pakikipag-relasyon kay Beteranang Aktres?

Minsan na syang nagkaroon ng short-lived affair with Best Dramatic Actor at sya umano ang isa sa mga dahilan para mabigo at magladlad na si Bebe Gandanghari.

Posted by postergurl 10:14 Tagged women Comments (0)

DaHu si Best Dramatic Actor?

meet the elitistas

best.jpg

DaHu si Best Dramatic Actor na walang kapantay ang galing sa pag-arte at pag-iinarte?

Kilalang-kilala sya sa larangan ng drama at sa pagiging playboy. Nainvolved na sya minsan kay Hot Sexy Actress, at napabalitang nagkaanak sa isang starlet. At ngayon ay karelasyon nya ang isang TV Newscaster.

Dagdag na isyu ay mahilig syang umarte kahit walang camera dahilan upang maapektuhan ng todo-todo ang kanyang mga kasamahan sa set.

Kumukulong Clue:

Kabilang sya sa SC Batch 4.

Posted by postergurl 09:36 Tagged round_the_world Comments (0)

DaHu si Sikat na Diva?

meet the elitistas

diva.jpg

Dahu si Sikat na Diva na punong-puno ng intriga ang life?

Kinaiinggitan ng mga kababaihan, kinaiinisan ng mga kabadingan, kinahuhumalingan ng mga kalalakihan at kinagigiliwan ng mga katomboyan. Sikat na sikat si Sikat na Diva dahil sa galing nya sa mga "bed scenes" sa kanyang pelikula.

Posted by postergurl 08:57 Tagged women Comments (4)

(Entries 121 - 135 of 136) « Page .. 4 5 6 7 8 [9] 10 »