A Travellerspoint blog

Virginal B., Inlabiba kay SC 3 Member!

POV Isyu

drift.jpg

Kagagaling lang po ng inyong lingkod sa isang araw na bakasyon pero tila isang linggong puno ng intriga na ang nasagap ko. Heto na ang pa-buena manong intriga para sa araw na ito na talagang namang tinutukan ng ating The Bash Correspondent na si Jaya Manawari.

Pasok Jaya!

Matatandaan natin na na-link noon si virginal b kay sc3 nung wala pa sila sa sosyal na channel sa upper eastside at tila head over heels si virginal b kay SC3 nung mga panahong yun.

Ayon pa sa mga batikang intrigadora, posibling mey koneksyon si virginal b sa nasabing dedmahan sa kadahilanang magkapareho sila ng network ni SC3 at madalas raw magkasalamuha ang dalawa.

"I know they are on different shows but both their studios are on the same level and we heard every after taping, rarampa at paparada etong si virginal b sa studio kung saan andun lagi si SC3." sabi ng isang observer na malapit kay virginal b.

Mey panahon din daw na pupunta si SC3 sa studio kung saan andun si virginal b.
"nabasa namin sa mga pahayagan ang panig ni SC4 ukol sa usaping ititch but we think he is just covering it up. maybe and trulalo na dahilan is angelous. maybe there's love triangle deva?" dagdag ng intrigirang observer.

agad kinuhanan ng The Bash ng pahayag si virginal b at etoh ang kanyang sinabi via telegrama:
"I don't think there's a love traingle here. i am busy."

ang iba pang intriga sa usaping eto, ABANGAN!

Posted by postergurl 07:26 Tagged gay_travel Comments (0)

Magaling na Newscaster, Nanganak na!

meet the hottest office celebrities

baby.jpg
Nanganak na nga ang isa sa pinakamagaling na newscaster ng network channel ngayong araw lang.

Ipinanganak na si Baby Martina Gabrielle kaninang 10:44 ng umaga. Super healthy at 7.7 lbs and super cute. I'll be posting the pic once I'll get approval na from the couple.

Congratulations to our celebrity couple for their angel!

Posted by postergurl 06:49 Tagged round_the_world Comments (0)

Virginal B., Denial Queen?

VIOLET reactions

drift.jpg

Naka-chikahan namin si Virignal B. nang mag-recording sya kanina para sa bago nyang album. Tinanong namin sya tungkol sa isyung napagkikita rin sya sa Massage Parlors.

"Bakit na naman na-aassociate ang pangalan ko sa isyung ito?"

"I have never been to a massage parlor and have no plan on going into one dahil lang sa init ng katawan..."

"If I will do it, there should be care..."

Tinanong rin namin sya kung totoo ba ang nakuha naming tip from an insider na "kinda jealous" daw sya sa namumuo noong tinginan betwen SC 3 (na ka-batchmate nya) at SC 4.

Pero ngumiti lang si Virginal B.

Hahay!

Posted by postergurl 11:25 Tagged women Comments (0)

SC 4 Member, Nagsalita na!

Eksklusibong Pasabog

The Judy Anne Abbott Pasabog

g_j.jpg

Walang Humpay!

Walang Kawala!

Next Level Intriga!

P! O! V!

Tungkol pa rin sa di umanoy dedmahan nina SC3 and SC4. Marami ang nagtataka sa biglang panlalamig ng dalawang taga upper-eastside sa isa't isa.

Kamakailan lang ay nakapanayam ng The Bash ang gwapitong si SC4. Sa nasabing panayam ibinulgar ni SC4 and kanyang panig ng storya. Sa kanyang paglilinaw, nasabi ni SC3 na nag-i-email pala sila noon at may naging tulay sa kanila na isang showbiz authority na hindi na muna natin papangalanan sa ngayon.

Ayon pa kay SC4 na nagsimula ang lahat ng dedmahan nila noong minsang uupo sana sya sa tabi ni SC3 dun sa taping sa kanilang show.

"But twas like i changed my nimd at the last hour and sat somehwere else. The feeling was there then. But now i am looking at today and i am looking forward for tomorrow. past is past."

Sinubok naming kunan ng panig si SC3 at ang sabi ng kanyang handler ay busy pa raw ito sa taping para sa isang teleserye na ipapalabas sa susunod na buwan.

Posted by postergurl 11:11 Tagged gay_travel Comments (0)

Ang Pagbabalik ng Superstar

Eksklusibong Pasabog

Multi-Awarded Actress, Pinabulaanan ang isyung lilipat na nga sya sa kabilang network!

Ang Nakaraan sa The Bash!

Multi-Awarded Actress, nawawala? Laman ng pahayagan at usap-usapan sa lahat ng station, yosi breaks at powder room retouches ang bigla umanong paglaho ng upper-eastside Superstar.

Punong-puno ng kontrobersiya ang biglaang di pagsipot ng Beteranang Aktres sa kanyang show noong nakaraang linggo. Wala umano itong pasabi kung ano ang dahilan ng kanyang biglang pananahinik na ikinagulantang maging ng kanyang sariling Talent Manager at mga malalapit na kaibigan.

Di raw sinasagot ng aktres ang lahat ng tawag, text messages, emails, announcements, pagers, beepers at kung anu-ano pang telekenesis.

Matapos may nagsabing nakita ang aktres sa lobby ng kabilang network ay naging malaking isyu na lilipat na nga ito. Gayunpamay di ito nakumpirma.

Nailathala ring pumirma na nga ang aktres ng kontrata sa nasabing istasyon pero wala pa ring kumpirmasyong nakuha maging sa pamunuan ng nabanggit na TV channel.

At ngayon!

Upper Eastside Superstar, Magsasalita na!

carl.jpg

Abangan Mamaya ang Kanyang Eksklusibong Pahayag!

Posted by postergurl 08:16 Tagged women Comments (3)

Dedmahan Blues sa Upper-Eastside

meet the elitistas

elite.jpg

Two members ng SC Batch 2 na dating super close, super dedmahan na ngayon!

Ayon sa aming source, dating super close (as in super duper close na kaduda-duda na ang closeness) ang dalawang SC 2 members na ito na itago na lang natin sa pangalang "Teen Actress" at "Former Matinee Idol".

Ito diumano si Former Matinee Idol ay kung kani-kanino na nali-link na pawang mga co-stars din nila ni Teen Actress. At ito din daw'ng si Teen Actress ay na-link na rin sa isang Showbiz Mag Columnist at ngayon naman ay sa isang Public Servant.

At ito pa ang pinaka-latest scoop!
Ka-dedmahan rin daw ni Teen Actress ngayon si The Hunk Cutie na na-link na rin sa kanya.

Ano ba yan? Lahat na lang ng na-link kay Teen Actress ay dini-dedma nya???

Parang si SC Batch 3 member at si SC Batch 4 member na di talaga mawari kung why and what's the reason why super dedmahan pa rin sila hanggang ngayon eh parang kailan lang na nag-duet sila ng "I Finally Found Someone" ni Barbra Streisand at ni Byran Adams?

At ang sabi ng ating source na kahera ng Tsinoy Fusion, "maybe, may feelings talaga itong si SC 4 para kay SC 3? Parang yung nangyari sa kanila dati ni Play Badette at ni Model-Actor. Di ba dinedma din nya ang mga yon matapos ma-link ang mga ito sa kanya?"

Sa kabilang dedma na dako:
Dedmahan rin daw ngayon itong si Maputing Sexy Actress at si The Hunk Cutie (again?) dahil daw sa isang pangyayari noong nakaraang TV Special ng kanilang show.

Ka-dedma naman ni Rock Band Boylet si Conservative Actress dahil ibinunyag diumano ni Rock Band Boylet ang isang sekreto ni Conservative Actress dahilan upang umiyak ito ng todo-todo.

Bagong ka-dedma naman ngayon ni Best Dramatic Actor ang isang Inside Showbiz Reporter dahil daw sa di magandang press release ni Showbiz Reporter sa kanya.

Ano ba naman? Itigil nyo na nga ang dedmahang ito bago ko isambulat kung ano talaga ang totoong reason why!

Let's promote world peace on earth na nga!

Posted by postergurl 05:58 Tagged round_the_world Comments (2)

Best Dramatic Actor at Network's Big Boss, Nagkabati na!

meet the hottest office celebrities

vp.jpg

Kumpirmado na ngang nagkabati na ang Network Vice President at si Best Dramatic Actor.

Ito ay matapos na masinsinang nag-usap ang dalawa kahapon in a closed-door meeting.

Matatandaang biglang nagdedmahan ang dalawa bago magpasko noong nakaraang taon.

Posted by postergurl 15:58 Tagged tips_and_tricks Comments (0)

Ang Pagbabalik ni Mahaderang Screenwriter!

meet the elitistas

jap.jpg

DaHu si Mahaderang Screenwriter na kilala sa kanyang katarayan at sa kanyang mga nakakalokang punchlines at mga walang kahabag-habag na mga celebrity scoops of chili ice cream?

Galing si Mahaderang Screenwriter sa isang engrandeng bakasyon sa Maldives kasama ang kanyang non-showbiz boylet kaya di sya napagkikita lately sa mga showbiz functions and gatherings.

"Akala nyo lang nakatakip ang mga tenga ko habang kinukula ko ang sarili ko sa Maldives. Pero day, talagang super high speed internet access agad ang beauty ko sa POV site mo noh for the latest office celebrity chika!"

"Ay, gusto kong dagdagan yung chika about ni Bruhilda Ratsadora, my former nakatarayan sa mga papers, na totoo ngang bonggang-bonggah ang mga massage parlors dito sa Cebu. And trulili na yung celebrity brown monkey gay badingkiwingki na na-mention sa article nya ay talagang hayok na hayok sa mga Coco Martin (masahista)."

Tinanong ko si Mahaderang Screenwriter kung kilala nya itesh.

"Smile na lang muna ako. Pero ang alam ko, si Bratinellang Aktres ay nahuhumaling na din sa mga Coco Martin lately."

"And try mo sa Aviary day kung gusto mong magpamasahe ng bonggang-bonggah na walang balat ang di nasasalat."

Naputol bigla ang chikahan namin ni Mahaderang Screenwriter nang kinakailangan na nya munang pumasok sa studio.

O ayan, expect more pasabog now that Mahaderang Screenwriter is back!

Posted by postergurl 15:23 Tagged gay_travel Comments (0)

DaHu si Batikang Newscaster?

meet the elitistas

newscaster.jpg

DaHu si Batikang Newscaster na super matalino at talakera na may naka-short lived affair?

Unang nakilala si Batikang Newscaster nang mag-umpisa itong maging artista at sumikat sa mga kontrabida roles. Kilalang talakera at mukhang mataray si Batikang Aktres dahil na rin sa kanyang mga walang patawad na mga frank statements pero super-bait naman ito in person.

Siya diumano ang isa sa mga naging tulay para maging mag-on si Teeny Bopper Actress at si Serious Dramatic Actress. Single na single ngayon si Batikang Newscaster at pilit pa rin syang inili-link sa kanyang long-time crush na si Macho Director.

Pero lately ay may isang insider ang nag-tip sa The Bash na may naka-short lived affair daw itong si Batikang Newscaster na kasamahan nya rin sa parehong News Program. Short-lived as in very short na di daw halos tumagal ng kahit na Isang Linggong Pag-ibig.

Hmmm... sino kaya itietch na naka-short lived affair nya? Fresh na fresh ang chika pero mukhang matagal-tagal na itong nangyari. Di pa nga lang makumpirma ng The Bash ang isyung ito dahil wala namang isyu na talagang mag-uugnay sa kanya. Oo, playing safe talaga itong si Batikang Newscaster. Very!

Posted by postergurl 09:49 Tagged women Comments (0)

SC 3 Member at SC 4 Member, Dedmahan pa rin

meet the elitistas

g_j.jpg

DaHu si SC 3 Member na ka-dedamahan pa rin ngayon ni SC 4 Member?

Hanggang ngayon ay nananatili pa ring misteryoso ang biglaang panlalamig ng dalawang Young Actor sa isa't-isa.

Matatandaang na-link si SC 3 Member kay SC 4 member nang magsama na sila sa iisang show.

Minsan na ring inamin ni SC 4 Member na crush nya si SC 3 Member at huli silang nakitang nagpansinan noong minsang nagkaroon ng Acting Workshop ang cast ng show sa Palawan. Lumipas ang ilang araw ay naging matabang na sila sa isa't-isa.

Nakunan ng pahayag ang dalwang panig pero tila may ikinukubli pa ring dahilan ang isa sa kanila.

SC 3 Member: "Bigla nya na lang akong tinext na wag ko na syang i-text. Yon lang. Tapos wala na."

SC 4 Member: "Ayoko lang. Basta."

Muling binulatlat ang isyung ito ngayon dahil nababahala na ang direktor ng pelikulang pinagsasamahan nila ngayon.

DaHu si SC 3 Member na ngayon ay nali-link kay Wholesome Actor?

At DaHu si SC 4 Member na palaging laman ng tabloid?

Posted by postergurl 08:59 Tagged gay_travel Comments (0)

The Bash RevelationS: Poster Gurl

meet the elitistas

"Oo.
Totoo pong buntis ako at nanganak na ako.
Sa loob lamang ng isang linggo.
Haha!"

"Okay,
totoo po ang litratong iyon at hindi po 'yon in-adobe.
Kinunan nga po 'yon sa Venice mga 3 weeks ago na at para yon sa bago kong movie where I played an underage mom.
Prosthetics lang po yon."

"Ito pa rin po ang body ko ngayon."
9pg-sexy.jpg

Posted by postergurl 07:47 Tagged women Comments (0)

Poster Gurl, Buntis!

Eksklusibong Pasabog

intriga!

rebelasyon!

pagsisiwalat!

mga bonggang pasabog!

walang kawala!

ekslusibo!

P! O! V!

Issue:
Poster Gurl, Buntis!

Ito ang naging laman ng artikulo ni Machundang Intrigera sa isang tabloid nitong umaga.

  • **

tila wala na talagang humpay ang kagulohan sa mundo in shobiz sa mga araw na to at pati ang producer na si Poster Gurl aka POV Gurl ay walang kawala sa mga intriga.
kababalik pa lang ni Poster Gurl galing sa kanyang matagal-tagal na Europe tour ay kaagad na syang sinalubong ng intriga.
may sabi-sabi umalis daw si POV Gurl sa kadahilanang buntis eto at dun na sa abroad nanganak.
ang ama raw ng ipinanganak si POV Gurl ay taga kabilang network na itatago natin sa initials na HC.

ang ebedinsya!
isang litrato na kuha diumano sa isang ekslusibong resort hotel sa Venice kung saan tumira si POV Gurl.

buntis.jpg

kay POV nga ba ang litratong eto?
o inadobe lang?
sino si HC?
ang pahayag ni POV gurl abangan sa kanyang show.

ABANGAN!

Posted by postergurl 07:12 Tagged women Comments (0)

True Confessions: Bruhilda Ratsadora (Part 2)

Part 2

bingle.jpg

At nagbabalik ang The Bash True Confessions ni Bruhilda Ratsadora with all the pasabog at pasambulat!

Narito ang karugtong ng panayam namin kay Bruhilda Ratsadora.

"so ayun, nagsimula na ang masahe....

medyo inaantok ako kaya after a few mins I fell asleep. Nagtaka na lang ako nang maramdamang wala nang nagmamasahe sa akin.

Si tiningnan ko si masahista at laking gulat ko nang nakita ko syang sumisilip sa pagitan ng kurtina. Napansin nyang tumitingin ako at nangiti sya sa akin.Then he pointed to my friend. Tumingin ako and I saw the guy with his back on us and he was leaning and kissing my friend. Shock na shock ako. At dahil nga likod nya lang at mukha nila ang nakikita ko hindi ko alam kung saan nakalagay ang kanyang kamay. All I know is that it was moving. Tumawa ako ng mahina at bumalik sa aking posisyon. Bumalik na rin sa pagmamasahe si masahista. Habang nagmamasahe sabi nya "buti pa sila!" . "lokong to!" sa loob-loob ko. Pero in fairness may hitsura naman itong si masahista. Still, I wouldn't risk my reputation (hehe). So sabi ko " tan aw na lang diha uy" pero nakangiti.

At duon na sya nagsimulang magkwento. Narinig nya kaseng nag usap kami ni Jane about my work. Sabi nya may mga bakla daw DITO sa PS nga regular customer nila at malaki raw kung magbigay ng tip.Sabii pa nya, yung mga kasamahan nya ay nagpapa _____ raw at binibigyan ng mula 100-500 depende sa serbisyo. Pero sya raw ay hindi. Mga matrona at chix ra daw ang pinapatulan nya. Ang matrona may bayad at ang chix libre.

He also asked me if may kilala ba raw akong Baklang mataba at brown ang hair na taga PS. Customer daw nang kasama nya at galante mag tip. Sabi ko naman maraming account dito at wala akong kilalang ganong description kaya baka sa ibang account.

Inaamin ko, nakikiliti ako sa masahe nya at talaga nga namang magaling sya pero WALANG NANGYARI SA AMIN, nag chika2x lang kami at yan ang totoo.

After an hour, ang kaibigan kung ito ay nagsabing EXTEND PA DAW NG ONE HOUR. Nasarapan ata!!!

Ayun, two hours ang masahe namin

Kinabukasan nga ay halos hindi kami makagalaw sa matinding sakit nga katawan, sabi ko kay supe magko-call in ako pero hindi pumayag!!!"

Posted by postergurl 15:00 Tagged tips_and_tricks Comments (1)

True Confessions: Bruhilda Ratsadora

meet the hottest office celebrities

chubby.jpg

Ang Nakaraan sa The Bash: POV!

Chubby Celebrity Correspondent, Naglalagi sa Massage Parlor dahil sa Extra Service
Sa pagbabalik ni Bruhilda Ratsadora mula sa isang engrandeng bakasyon ay walang habas nyang hinarap ang nasabing isyu.

Ngayon sa The Bash True Confessions:
Bruhilda Ratsadora, Buong Tapang na Mangungumpisal sa Isyung Kinakaharap!

"hahahahahaha!"


"where the hell did that news come from?!?!?!"

"ok since I'm honest (and you dont know the girl anyway) I'll tell you what happened..."

"I had a friend from Davao who came for a visit last November. Itago natin sya sa pangalang Jane. Si Jane ay barkada ko na simula college at hindi sya ganon ka konserbatibo."

"Anyway, we went to a massage parlor in Fuente and she said libre nya ako on the condition na lalake dapat ang masahista. Of course I said yes, libre eh."

"So I was surprised na instead of the usual curtain-covered cubicle that I get when I go there we were led into a closed room divided by a curtain."

"My friend was on the right side tapos may kurtina then ako- facing the door. After we changed clothes (towel and shorts ONLY) two macho looking man came in..."

("should I proceed? it's a little malaswa eh baka ma ban ako hehe...")

Ang pagpapatuloy ng True Confessions ni Bruhilda Ratsadora sa pagbabalik ng...

Bruhilda Ratsadora: "The Bash!"

Posted by postergurl 13:32 Tagged tips_and_tricks Comments (0)

The Huntress Pasabog

The Bash Correspondent

female.jpg

Female Vocalista, Two Timer?

Ayon sa ating most reliable source na si The Huntress ay di lang daw si Showbiz Mag editor ang iniuugnay sa kanya kundi pati na rin ang Associate Editor nito.

Hmmm... Mukhang bunggang-bunggah ang lovelife ni Female Vocalista ngayon.

Ano kaya ang masasabi ni Josa Balase, ang ating The Bash Correspondent na konektado sa nasabing Showbiz magazine?

Pasok Josa Balasa!

Posted by postergurl 11:33 Tagged women Comments (0)

(Entries 106 - 120 of 136) « Page .. 3 4 5 6 7 [8] 9 10 »