A Travellerspoint blog

Round the World

Tsinitong Aktor at Former Beauty Queen, Nagkabalikan?

chika minute

Hindi totoo ang mga kumakalat na balita na muli na ngang nagkakamabutihan si Former Beauty Queen Turned Actress at si Tsinitong Aktor.

Ang dahilan: Nahuhumaling diumano si Tsinitong Aktor sa isa sa mga miyembro ng La Diva, at si Former Beauty Queen Turned Actress naman ay napapabalitang nililigawan muli ng kanyang ex na non-showbiz.

Pakisagot naman, ex-couple!

.

Posted by postergurl 3:15 PM Archived in Round the World Comments (0)

Hunky Director, Muling Nagbabalik!

Intriga Express

les.jpg

Bumalik na ngang muli si Hunky Director matapos ang ilang buwang pananahimik tungkol sa kanyang pagkawala sa dating show!

Sa paglalathalang ito ay mag-dadalawang linggo na ngang nagtatrabaho si Hunky Director, this time, bilang isa sa mga Talent Directors ng Network's Talent Center. Patunay na mananatiling kapamilya't kapuso ang ating minamahal at hinahangaang direktor.

Matatandaang naging isang malaking isyu ang kontrobersyal na pagkawala ni Hunky Director sa dating show dahilan upang magkaroon ng samot-saring haka-haka at teyorya ang kanyang mga dating katrabaho at mga tagahanga. Walang maibigay na tuwirang sagot ang mga taong malalapit sa kanya maliban sa isa sa mga Network Big Bosses na minsan nang nagbigay ng isang formal statement para pasinungalingan ang mga malisyosong isyu na nagsasangkot kay Hunky Director. Gayundin ang isa sa dati nyang alaga na si Premyadong Newscaster. Gayunpaman, walang narinig na anumang pahayag o sagot kay Hunky Director dahilan upang mas lalong nagkainteres ang publiko.

Ngayon sa kanyang muling pagbabalik ay marami pa ring katanungang naghihintay ng mga kasagutan. Pero para sa amin na nagmamahal sa kanya ay di na importante iyon. Ang mas mahalaga, ay muli natin syang makakapiling!

Welcome back Hunky Director!

More chika sa aming pagbabalik. Babosh!

.

Posted by postergurl 2:33 PM Archived in Round the World Comments (0)

Hole in the Wall Episode 1

spoiler lang

elite.jpg

Ole! Ole!
Ole! Ole!
Feeling hot-hot-hot?

Abangan ang laglagan ng mga magkaka-BFF!

Beteranang Beauty Queen at Matimtimang Aktres:
dahu sa kanila ang rumarampa na walang suot-suot na salumpuwet (ano daw? i-google mo neng!) at dahu ang inumaga sa dalampasigan na may kasamang non-showbiz papa?

Volleyball Star Actress at Talakerang Aktres:
dahu ang pinakalasenggera sa kanila at dahu ang dala-dalawa ang dyowa?

Supermodel Heiress at Covergirl:
sino ang nagwala sa provincial tour at sino ang nahuli ng pulis?

At muling nagbabalik exclusively para sa HOLE IN THE WALL sina SC3 at SC4:
dahu ang magpapakasal na at dahu ang may sex scandal?

LAGLAGAN NA!!!

.

Posted by postergurl 3:08 PM Archived in Round the World Comments (4)

Hole in the Wall

The Bash Edition

May bagong segment ang The Bash starting this week!
At ito ang "Hole in the Wall... LAGLAGAN NA!!!"

Kung may mangilan-ngilan na rin tayong nailaglag noon,
mas lalo itong patitindihin ng ating bagong segment.

At kung sino ang unang isasalang natin ay...

ABANGAN!

standby.jpg

.

Posted by postergurl 11:56 AM Archived in Round the World Comments (0)

Pasabog na mga Pasalubong

chika express

Scudda Hoo! Scudda Hay!
Medyo busy pa po ang inyong lingkod lately,
katatapos lang po ng aming 4-day-provincial tour dahil naimbitahan po tayo ng kaibigan nating si Mestizang Aktres (na super grand-slam beauty queen pala sa Riviera Maya) to grace the festivity.

Malayo man,
abot pa rin ang chika.
Kaya naman dala-dala ko ay mga pasabog na mas matindi pa sa A H1N1 outbreak!

Kaya ihanda na ang inyong mga sinturong-pangkaligtasan para sa bunggang-bunggang pag-indayog ng...

bash_logo.gif

.

Posted by postergurl 4:31 PM Archived in Round the World Comments (0)

Veteran Director at Madaldal na Aktres, Mag-on Na!

chika minute

a1.jpg

Kumpirmado na ngang mag-on ang dating taga-network na si Madaldal na Aktres at si upper eastsider Veteran Director!

Mali ang naging haka-haka noon na kaya sinundan ni Madaldal na Aktres si Morenong Aktor sa katapat na network ay upang ipagpatuloy ang kanilang romansa, pero ayon sa isang malapit na source ay agad daw na niligawan ni Veteran Director ang Madaldal na Aktres at kamakailan nga lang ay sinagot na ng huli ang director.

Ikinagulantang ito ng dating ka-sing and dance group ng aktres dito sa network.

Sing and Dance Group Member#1: "Wala talaga akong kamuwang-muwang na may ligawan na palang nangyayari noon bago pa man lumipat si Madaldal na Aktres."

Pinaka-close na Sing and Dance Group Member#2: "I know, pero akala ko sila talaga ni Morenong Aktor."

Hinihintay pa namin ang pahayag ni Madaldal na Aktres at iniimbitahan din namin si Veteran Director oras na bumalik sya galing out of the city location ng kanyang bagong movie.

.

Posted by postergurl 1:59 PM Archived in Round the World Comments (3)

Morning Show Hosts, Nagkainitan!

P O V

r_l-war.jpg

Naging isang malaking isyu ang nasabing paglathala ng litrato ng dalawang Morning News Anchor dito sa The Bash dahilan upang magkabangayan si Male News Anchor at si Female Segment Reporter.

Ikinabahala ito ng kanilang Talent Manager at ni-request na ipatanggal ang nasabing litrato sa show. Gayunpamay nagpahayag na si Male News Anchor na di naman big deal ang pagkaka-post ng nasabing litrato. Worried lang daw si Male News Anchor dahil "very goog-able" daw kasi ang The Bash worldwide at baka umabot ito sa kaalaman ng mga muskeet rains at baka mabahiran ng malisya at isyu.

Ayon sa isang insider ay personal daw ang dahilan ng kanilang sigalutan at pinalaki lamang ito nang pagdudahan ni Male News Anchor si Female News Reporter na nagkalat ng pics dahil sya lang daw diumano ang may hawak nito. Nauna nang pinabulaanan ng The Bash na galing ito kaninuman sa mga kasamahan nila sa Morning News Program.

Nakapanayam rin ng The Bash ang other person in the photo na si Premyadong Newscaster at wala rin syang dahilan para gawing big deal ang pagkaka-post ng nasabing picture.

Hangarin ng The Bash na maresolba ang isyung ito sa pagitan ng dalawang mamahayag. At sana naman ay wag nang palakihin pa dahil wala naman talagang isyung umiikot nang ilathala ang larawang iyon na kuha sa birthday party ni Rufa Mae Kwento..

.

Posted by postergurl 11:31 AM Archived in Round the World Comments (0)

If A Picture Paints...

295.jpg

Noong nakaraang linggo ay nai-post ng inyong lingkod ang litrato ng dalawang malalapit na kaibigan sa "Comment on This" portion ng show. Ito umano ay naging dahilan ng di pagkakaunawaan ng dalawa. Humihingi po ng despensa ang kabuuan ng show dahil na rin sa di-pormal na pagpapaalam ng inyong lingkod sa dalawang taong nasa larawan. Nakuha po namin ang litrato sa isang public profile at walang masamang intensyon o anumang malisya ang naging paglathala ng The Bash sa nasabing larawan.

Muli po ay humihingi ang inyong lingkod ng taos-pusong paumanhin!

.

Posted by postergurl 9:29 AM Archived in Round the World Comments (0)

May Bago!

comment on this

johnchen.jpg

Mas may i-eskandalo pa ba dito?

.

Posted by postergurl 3:37 PM Archived in Round the World Comments (1)

Hunky Director, nasaan na nga ba?

points. opinions. VIOLET reactions.

les.jpg

Hanggang ngayon ay di pa rin matukoy kung nasaan na nga ba at ano ang nangyari kay Hunky Director. Sinubukang kunan ng pahayag ng The Bash ang isa sa mga network executives pero walang nakuhang diretsahang sagot ang The Bash.

May haka-hakang nagbabakasyon o pinagbakasyon muna ang Hunky Director at may ilang malisyosong intrigang lumalabas na sa ngayon ay di pa makumpirma ng The Bash.

Tututukan!

.

Posted by postergurl 11:10 AM Archived in Round the World Comments (0)

M. I. L.

Mga Isyung Lipatan

elite.jpg

Summer na summer na at nagbabaga ang mga intriga. Mga walang kamatayan at walang katapusang isyu ng lipatan, pangangabilang bakod at piratahan.

Ngayong linggong 'to, ilang celebrities ang kumpirmadong lumipat, lilipat, nalipat at malilipat.

Lumipat!

Playmayette Badette, kumpirmadong lumipat na!

So what? Eh, si Chubby Celeberity Correspondent lang naman ang malulungkot. Pero totoo nga bang lumipat na sya nang tuluyan dahil diumano ay naging awkward na sila ni Misteryosong Aktor from upper-eastside nang minsang lumabas sila some time ago. So what part 2?

Lilipat!

Mahaderang Screenwriter, lilipat na rin sa kalabang network!

Ayon sa aming eksklusibong panayam kay MS ay tinanggap na nga nya ang offer ng kabilang network at may isang buwan na lang syang lalagare sa kanyang kasalukuyang show.

Gayunpaman ay kinukonsidera pa rin ni MS ang pakikipag-negotiate with the upper management kung magre-renew sya o talagang ba-babu na syang talaga. Sana naman ay mananatili pa ring kabash si MS.

Nalipat!

Ilang upper-eastsiders ang nalipat kamakailan ng show at isa na dito ang favorite nating si SC3.

Ang isyu, tinanggap umano ni SC3 ang offer na malipat sa pang-umagang programa para na rin tuluyan nyang maiwasan ang di-mamatay matay na intriga between him and SC4.Ganun?

Malilipat!

Bago pa magaganap ang reformatting at reprogramming ng istatsyon ay madadagdagan na naman ang mga kapamilya't kapuso sa upper-eastside. Exciting ito. At excited ako dahil ilang bigating stars na naman ang makakasama natin 24/7. So, ngayon pa lang ay wini-welcome na ntain sila. Welcome to the bashful world!

Balik lagare muna oka mga friendships!

.

Posted by postergurl 3:10 AM Archived in Round the World Comments (0)

Hunky Director, Sinibak?

meet the hottest office celebrities

les.jpg

Gaano katotoo ang bulung-bulungan na sinibak si Hunky Director sa kanyang Morning Show?

Ayon sa isang insider ay magdadalawang linggo na umanong wala na sa Morning Show si Hunky Director. Di pa matantiya kung umalis ito ng kusa o pilit umanong pinapaalis sa network. May nagsasabing humingi lang umano ito ng panandaliang bakasyon kasama ang ibang staff and crew ng kanyang show. Kung totoong hindi na nga konektado si Hunky Director sa network ay tiyak na malaking kawalan ito para sa istasyon at sa kanyang mga tagahanga. How trulili itetch???

Paano na ako at ang aking mga pangarap? Charoose!

.

Posted by postergurl 3:00 AM Archived in Round the World Comments (0)

DaHu ang Straight Dahu ang Not?

meet the hottest office celebrities

Naabutan kung nagde-debate ang magkaibigang si Loofah Gutierrez at si Vetsin Barreto. Isa-isa nilang ini-screen in one glance ang mga hot male celebrities in the office with matching tags and names and terms. May I join naman ako sa dalawang mapang-okray na Celebrity Bashers.

Dumaan itong cute na cute na si Commercial Director na dating crush ni Sexy Morenang Diva at diumano'y naka-one night stand ni TV Noontime Show Host.

Loofah: Ay naku, mayette na mayette!

Vetsin: Obviously! And it's all over the news na may ka-live in partner na sya na mayette rin for 2 years.

Loofah: Pero in fairness, talagang cutie si Commercial Director. Kung wishing ka knowing talagang mahi-Hilo Kitty ka.

Vetsin: And TOP performer daw yan sa kama chameleon ayon kay TV Noontime Show Host!

Loofah: Talaga??? Bunggah!

Nakapasok na si Commercial Director sa elevator 2 ay sya namang labas ni Cutie Casting Director.

Loofah: Yan, itataya ko ang dvd player ko. Talagang straight yan!

Vetsin: Sa 'yo na dvd player mo, itataya ko katawan ko sa kanya.

Loofah: Ay... Malinis sa katawan si Cutie Casting Direcot, 'te. Di yan kumakain ng baboy noh.

Vetsin: Heh! In fairness, talagang di-makabasag pinggan itong si Cutie Casting Director noh?

To be continued

.

Posted by postergurl 3:07 PM Archived in Round the World Comments (0)

DaHu si Cutie Casting Director?

meet the hottest office celebrities

rommell.jpg

Marami ang nagtatanong kung nosi nga ba itong si Cutie Casting Director?

Kung kani-kanino na rin na-link itong si Cutie Casting Director (CCD) kahit na noong nagsisimula pa lang sya dito sa showbiz. Syempre naman, super good looking at super lovable namang talaga si CCD dahil na rin sa kanyang known na kabaitan.

Uu na! Mga kumukulong clue!!!

Mas makikilala nyo ata sya kung babanggitin ko na lang ang mga na-involved sa kanya na celebrities. So, Mestiza Actress was already a given clue. Ask nyo pa sya! Ito na ang karagdagang chika! Napabalita nga noon na type na type nya rin si Mestiza Actress pero ang ending ay naging dyowa instead ni Mestiza Actress ang kanyang kababayan friendship matapos nya itong ipakilala noong nakaraang taon.

Na-link na rin si CCD kay Sexy Morenang Diva(ang Beyonce ng RP) pero di ata nag-work ang kanilang blossoming friendship noon kaya hanggang MU lang sila. Now Sexy Morenang Diva is already in a relationship with a cutie businessman from Canada.

Inintriga light din sila ni Former Beauty Queen Turned Actress pero "purely friendship" lang daw talaga ang kanilang pagtitingan, ito ay nong time na magkasama pa sila sa iisang show, now Former Beauty Queen Turned Actress is already dating Tsinitong Aktor.

At ito ang bunggang-bunggang chika! Dahil sa iniintrigang torpe si CCD ay may I enter the eksena itong si Morning Show Director at may I ask out daw si Morning Show Director kay CCD. Pero ewan ko kung ano na ang nangyari.

I tried to ask CCD pero puro ngiti lang sya as usual. Feeling ko ay super wait na lang sya kung mag "may I ask you out" ang ating Basher na si Dyosa Balasa sa kanya in the future.

Until now, ay known single and available and so hard to get pa rin ang image ni Cutie Casting Director. At ito ang pinaka-latest na chiz... kaka-reveal lang nya to a close source na matagal na nyang bet si Sikat na Diva pero friend lang daw ang tingin nito sa kanya.

O ayan huh, super dami na ng mga clues, kung sino-sino sila ay puwede nyo namang i-review ang mga previews entries.

At magbabalik ang The Bash!

.

Posted by postergurl 8:05 AM Archived in Round the World Comments (0)

Do Re Mi Intriga

Chika Minute

Let's start at the very beginning
A very good place to start
When you read you begin with A-B-C
When you sing you begin with do-re-mi

Do-re-mi, do-re-mi
The first three notes just happen to be
Do-re-mi, do-re-mi

Do-re-mi-fa-so-la-ti
Let's see if I can make it chizzy

Do - mating si Female V.
Re - ding ready na si uhm...
Me - nag-wait all by myself
Fa - ra lang maiwanan
So - ang ending may nag-break
La - hat watch out na sa show
Ti - la drink at jam ang next
That will bring us back to Do (oh-oh-oh)

[Oh kayo naman repeat above verse twice]

Do-re-mi-fa-so-la-ti-do
So-do!

Now Bashers, do-re-mi-fa-so and so on
are only the tools we use to build chika.
Once you have these notes in your heads,
you can sing a million different tunes by making them up.
Like this.

"Joe" bading na straight acting
"Ray" ang name ng kanyang "uhm..."
"Mae" director na mayette
"Fa"- hada rin pala
"Su"- mali din si "E"
"La" - bolabo na ang show
"Ti"- hreesome with Mister Ex
That will bring us back to "Joe"

Joe Ray Mae doggie is the show
Buti pa tong sina "A"

When you know the notch to sing
You can shing-le anything

"Dyu"- malik si M kay A
"Re"- concile ulit sila
"Me" - rong name na sumingit
"From" - a long long time ago
"Si" - no bang mga itetch
"Lag" - lagan na ang show
"Ti" - tirahin ba ang friend
That will bring us back to

Do . . . So Do
Re . . . La Fa
Mi . . . Mi Do
Fa . . . Re
So . . . So Do
La . . . La Fa
Ti . . . La So Fa Mi Re
Ti Do - oh - oh Ti Do -- So Do

Waaaaaahhhh! Kayufak!

.

Posted by postergurl 3:32 PM Archived in Round the World Comments (2)

(Entries 1 - 15 of 31) Page [1] 2 3 » Next