
Unang Pasabog: "SC3 at SC4, both taken na nga ba?"
Umamin na nga sa nakaraang episode ng "Private Conversations with Maja Ruth" sa magkahiwalay na interview ang inyong favorite estranged couple na sina SC3 at SC4 na may mga dini-date na nga sila. Dahil sa naunsyaming romansa nilang dalawa ay kanya-kanya na silang nakikipag-date ngayon at tila pareho na silang happy sa kani-kanilang mga lovelife. And sa nasabing panayam ay inihayag rin ng dalawa na okay naman silang dalawa at natural na ang kanilang pagpapansinan.
So, handa na kaya nilang pag-usapan nang minsang may "mainit" na nangyari sa kanila sa isang "controversial birthday party"?
Ikalawang Pasabog: "Machong Callgirl at Hot sexy Actress, Against All Odds!"
Balitang pinag-iinitan ngayon at iniintriga ang pagbisita ni Hot Sexy Actress sa dressing room ni Machong Callgirl. Diumano ay kinausap si Machong Callgirl ng kanyang Talent Manager na iwasan na munang bumisita si Hot Sexy Actress sa kanyang dressing room.
Pero sa isang hiwalay na panayam ay nilinaw ng Batikang Talent Manager ni Machong Callgirl na hindi lamang sila ang apektado ng isyung ito. Ayon sa Batikang Talent Manager ay mando ito ng Talent Studio upang malimitahan na ang dating maluwag na access ng mga fans at mga kaibigan sa pagpasok sa mga dressing rooms ng mga talents.
Pangatlong Pasabog: "Cutie Sosyalerong Actor, Coming In and Out of the Rain na nga rin ba?"
Uu mga atih at kowyah! Sa mga gustong um-avail, out na out na nga slightly itong si Cutie Sosyalerong Actor. nang tinanong sya kung bakit ngayon lang sya umamin ay ito ang naging sagot niya:
Cutie Sosyalerong Actor: "Eh, sa ngayon lang kayo nagtanong eh!"
O divah, nagtataray na!
Ikaapat na Pasabog: "Playboy Director at Telenovela Actress, Magpapakasal na!"
Isang eksklusibong impormasyon ang nahagip ng The Bash na nag-propose na nga si Playboy Director kay Telenovela Actress ng kasal. Ito umano ay naganap nang minsang bumiyahe ang dalawa abroad at doon nga ay niyaya na nitong si Playboy Director na pakasalan si Telenovela Actress. Isa sa mga malapit kay Playboy Director ang kumumpirma sa balitang ito at ayon sa isang source ay umuo naman si Telenovela Actress pero di pa raw ito mangyayari sa nalalapit na panahon.
Ay, ang invitation namin wag na wag kakalimutan.
Panglimang Pasabog: Hot Celebrity Couple, Hiwalay na!
It's all confirmed. Matapos ang anim na buwan ng mainit nilang pagsasama ay nagpasya na ngang maghiwalay ang Hot Celebrity Couple na sina Basketball Star Player at si Queen of Melody. Third party daw ang dahilan kung bakit nauwi sa separate lives ang dalawa. Di pa nga lang matukoy kung sino ang may ka-thrid party dahil na rin sa pananahimik ng dalawa as of the moment.
Aaaaaarrrgghhh!!!
.