A Travellerspoint blog

Women

Quote-True-versial!

quote of the day!

Chubby Letah: "Walang teri-teritoryo sa akin! Kung saan ako nakatayo iyon ang teritoryo ko!"

Ito ang naging pahayag ni Chubby Letah nang i-ban sya sa Upper Eastside matapos ilathala ang eskandolosong mga larawan ng mga lead stars ng isang sikat na show.

.

Posted by postergurl 3:53 PM Archived in Women Comments (0)

Sexy Morenang Aktres, Ikinasal na!

Eksklusibo! Eksplosibo!

kiam.jpg

Kaya nawawala sa show dahil ikinasal na nga ba?

Bali-balita ang sekretong pagpapakasal ni Sexy Morenang Aktres sa kanyang Canada-based boyfriend kamakailan. Noong nakaraang buwan lamang ay umuugong ang tsismis na nag-propose na nga ito sa kanya sa Boracay noong nakaraang buwan. At kahapon lamang ay may I change na ang civil status nito na "married" nang lumabas ito ng bansa- at ito daw ay para sa kanilang honeymoon!

Magdadalawang buwan na rin nating di napagkikita si Sexy Morenang Aktres sa show. Matapos syang humiling sa management ng dalawang buwang pahinga na itinaon naman nya sa kanyang kaarawan at sa pagdating ng kanyang noon ay boyfriend pa lamang. Nagawan naman ito ng paraan ng management at ng production team para i-revise ang script. Mapapanood muli si Sexy Morenang Aktres sa kalagitnaan ng show next season!

More sa pagbabalik ng The Bash!

.

Posted by postergurl 10:36 AM Archived in Women | Philippines Comments (1)

Former Beauty Queen, Nag-quit na sa Showbiz!

eksklusibong pasabog

queen.jpg

Yaman din at nabanggit na natin si Tsinitong Aktor ay banggitin na rin natin ang isyung pag-alis ng kanyang beautiful and sexy gf na si Former Beauty Queen.

Uu.
Kumpirmado na po ang pag-alis ni Former Beauty Queen pero di pa rin sya pinalusot ng mga nagbabagang intriga!
At di rin pinalusot ang mga malalaking pangalang pilit na idinadawit sa kanyang pag-alis sa Banana Split!

Ang mga detalye sa pagbabalik!

.

Posted by postergurl 11:39 PM Archived in Women Comments (0)

B1 at B2, Nagkabati na!

intriga express

fight-girls.jpg

Finally! Naayos na rin ang gusot ng dalawang Bigating Aktres. And as a token of mended friendship ay may I exchange gift silang dalawa ng Cartier ring at Manolo Blanich shoes huh! And take note, one of the people behind ng pagbabati nila ay ang napakabait na Network Manager ng upper east side.

Pero ang latest chika ay may bago na naman daw'ng ka-dedma itong si B2 at ito ay walang iba kundi si Best Dramatic Actor.

Hay naku naman no!

Happy Friendship Day!

.

Posted by postergurl 5:36 PM Archived in Women Comments (0)

News Advisory Team's Queen Bee, May Dyowa na!

meet the hottest office celebrities

a2.jpg

UU mga kafatid!!! Hear ye! Hear ye!

May I change na nga into "In a relationship" status ang ating ulitimate Queen Bee from the News Ad Team!
After nanahimik ang kanyang lovelife for so long ay dumating na finally ang kanyang Prince Charming!
At matagal-tagal na din itong dumating huh!
Mga 3 weeks ago?

Yez!
He's also from the News Ad Team from the same network but different location!
At si ulitimate Queen Bee from the News Ad Team daw ang dahilan kaya may I transfer si Mr. Prince Charming dito sa Queen City of the South!
O divah???
Trulili Love-abo na nga ba ito?

Pero may I "not yet confirmed" muna si ulitimate Queen Bee from the News Ad Team as of the moment dahil baka daw mausog just like Roxanne Guinoo's statement.

Uu nga naman,
kaya lang you better watch out ulitimate Queen Bee from the News Ad Team kasi marami-rami na ring kaming mga tawag dito sa The Bash asking kung sino ba ang "new Papa director" sa "Reality Show Programs" ngayon.

.

Posted by postergurl 5:28 PM Archived in Women Comments (2)

Huli Cam!

The Bashagip

danica.jpg

Mestisang Aktres nahuling nagkulong sa banyo na may kasamang isa sa mga members ng The Hunks!

Hmmm...
Sasagutin yan ni Mestisang Aktres sa pagbabalik ng The Bash!

.

Posted by postergurl 5:04 PM Archived in Women Comments (0)

Awayan ng Dalawang Premyadong Aktres, Lumalala na nga ba?

Eksklusibo!

fight-girls.jpg

Lalong umiinit ang awayan ng dalawang premyadong aktres na pawang taga-Upper Eastside, ang dahilan umano ay agawan ng dressing room!

Ano ba yan?

Kilalang matalik na magkaibigan pa naman itong dalawang aktres na tawagin nating si Bigatin 1 (B1) at Bigatin 2 (B2). Ayon kay B1 ay nagsimula diumano ang iringan at bangayan nilang dalawa simula nang makigamit si B2 sa kanyang dressing room at kalaunan ay akuin na ni B2 ang tokador. Although hindi naman talaga personal dressing rooms ang ginagamit nila sa show pero ang ipinagtampo lang daw ni B1 kay B2 ay parang sinasadya ng huli na unahan sya sa dressing room. Ang isyu ni B1 ay masyado nang nagiging insensitive diumano si B2.

Nang kunin ng The Bash ang pahayag ni B2 ay tila di nya alam na ito ang dahilan ng tampo ni B1 sa kanya. Ayon na rin kay B2 ay makikipag-ayos sya kay B1 at di na kailangan pang malaman ng press.

Sana nga ay magkaayos na kayong mag-"B"estfriends!

.

Posted by postergurl 10:37 AM Archived in Women Comments (0)

Socialite Sexy Actress sa Hollywood's 101 Best Kept Secrets

Eksplosibong Pasabog!

rmc.jpg

Ano kaya ang sekreto ni Socialite Sexy Actress at napabilang sya sa Hollywood's 101 Best kept Secrets?

.

Posted by postergurl 7:47 AM Archived in Women Comments (0)

Morenang Aktres at Telenovela Actress, Nagsabunutan?

Eksklusibo Eksplosibo!

catfight.jpg

Nawindang ang aking tahimik na world for the past few weeks nang binalitaan ako ng isang upper-eastside insider tungkol sa eskandalong naganap sa harap ng TV network kamakailan lamang. At ang mga involved sa maeskandlaong early morning ay sina Morenang Aktres at si Telenovela Actress!


UU na! 5 days panis na siguro ang chikang ito, pero fresh na fresh pa rin naman ito para sa mga zombie at sa mga naki-celebrate sa akin ng semana santa (I was also out of reach via means of technology as part of my panata kaya medyo dedma ako sa mga latest chiz kamakailan).

Wala naman daw'ng sabunutan na naganap, pero ala-Cherie Gil at Sharon Cuneta in Bituing Walang Ningning daw ang eksena. Sino ang nambuhos at sino ang nabuhusan? Well, sino ba ang umiinom ng RH?

.

Posted by postergurl 1:33 PM Archived in Women Comments (0)

Sexy Morenang Diva, Handa Nang Magpa-Devirginized!

chika minute

kiam.jpg

Handa na nga raw magpa-devirginize si Sexy Morenang Diva!

Darating na sa bansa ang Businessman boyfriend ni SMD to formally meet her family and her fans as well. Nagkabiruan na baka it's about time na para nga ialay na nya nang buong-buo ang kanyang sarili sa kanyang super gwapitong boyfriend na Canada-based.

Pero medyo bantay-sarado ang Mom ni SMD nyan dahil makakasama nila ito sa kanyang concert tours sa iba't-ibang sulok ng bansa at sa kanyang grand world tour. Well, let's wait and see!

.

Posted by postergurl 11:19 AM Archived in Women Comments (0)

CCC, mananatiling ka-basher!

Chika Minute

chubby.jpg

"Uu. Di na lilipat si CCC dahil niluluto na ang malaking offer sa kanya ng network. Hmmm! Hmp!"

Posted by postergurl 11:46 AM Archived in Women Comments (0)

CCC, Mangingibang Bakod na rin!

Eksklusibong Pasabog!

chubby.jpg

Nagpaalam na nga sa network ang pinakamamahal nating si Chubby Celeberity Correspondent dahil na rin sa malaking offer na natanggap nya from the other big network at dinig namin ay magkakaroon rin sya ng sariling show doon.

Wish you all the best CCC!

.

Posted by postergurl 1:25 PM Archived in Women Comments (2)

DaHu si Mestiza Actress?

meet the elitistas

danica.jpg

Love na love ng The Bash si Mestiza Actress kayat ipapamudmod na namin ang mainit na mainit na inihandang pam-birthday intriga namin para sa kanya!

Kung matatandaan ninyo noon ay na-link na si Mestiza Actress kay Machong Direktor... Hmmm... Uu. Ayon sa isa naming source ay talagang may pagtingin si Mestiza Actress sa ating favorite na si Machong Direktor. Siya rin ay naugnay na minsan kay Cutie Casting Director, at balitang muntik na sya nitong naging dyowa.

Minsan na ring naging kontrobersyal si Mestiza Actress nang minsang lumabas ang isyung tineyk home sya ni baguhang Indie Actor (na crush na crush ni Supermodel Actress) noong nakaraang awards night. At naging laman na rin sya ng blind item tungkol sa misteryosong "dare game" nila ni SC 4 member. Pero nanatiling tikom ang bibig ni Mestiza Actress sa lahat ng intrigang ito.

Isa lang ang masasabi ng The Bash para kay Mestiza Actress:

Happy Happy Birthday!

.

Posted by postergurl 3:14 PM Archived in Women Comments (1)

Respetadong Aktres, Susubok sa Hollywood

RevealationS

ellice.jpg

Respetadong Aktres kumpirmado na ngang papasukin ang mundo ng Hollywood.

Ngayon na nga ang huling gabi na mapapanood si Respetadong Aktres sa kanyang reality show program. Noong nakaraang buwan lang ay kinumpirma na nga nyang susubukan nya ang Hollywood.

Marami ang nalungkot dahil matagal-tagal rin ang kanyang magiging kontrata doon pero ikinatuwa naman ito ng marami dahil alam nating lahat na talagang magpapakitang gilas itong si Respetadong Aktres sa bagong mundo ng showbiz.

Ang kanyang pahayag sa pagbabalik ng The Bash RevealationS!

Posted by postergurl 5:07 AM Archived in Women Comments (2)

Ex Ex Ex

P.O.V!

trio.jpg

Habang ina-achieve ko ang golden tan na skin sa Bahamas ay "May I" chika and check naman itong ating correspondent na si Macky Makati na confirmed ngang tinuldukan na nga ng ating hot celebrity couple ang kanilang ma-intrigang relasyon noong nakaraang linggo lang. Pero ang nakakalokah, "May I" enter naman hora-mismo si "Ex" sa eksena kaya malito tuloy ang public kung ano na nga ba talaga? At dagdag pa ng matabil na si Macky na "May I" hide lang daw muna ang break-up galore as of the moment while di pa naipapalabas ang kanilang upcoming movie. Meaning, threesome agreement daw muna ang show?

Pasensyahan na! Uunahan ko na kayo mga "gurls"! Yun na yon ang kumukulong clue huh!

Posted by postergurl 4:15 PM Archived in Women Comments (0)

(Entries 1 - 15 of 34) Page [1] 2 3 » Next