A Travellerspoint blog

Hitchhiking

Reality Show Director, Mahilig!

Intriga Express

DaHu si Reality Show Director na sobrang mahilig?

Bulong-bulungan ngayon sa lahat ng yosi breaks at sa masikip na pantry at mga cafeteria ang sobrang pagka-playboy ni Reality Show Director. Known as pabling naman talaga itong si Reality Show Director eversince na pumasok sya sa showbiz. No wonder, na lahat ng mga gurlalo na members ng kanyang production team ay nagseseksihan at nag-gagandahan halos simula nang i-turn over sa kanyang pangangalaga ang buong show.

Matalino, mabait, super-rich, gwapo (???) --- uu naman! Kasi friends kami! At punong-puno ng karisma si Reality Show Director, kaya naman hindi nakakalagpas sa kanyang mga mata ang sinuman na magugustuhan nya. Ang siste... Ah, basta! Yun na muna yon!

.

Posted by postergurl 3:47 PM Archived in Hitchhiking Comments (1)

Madaldal na Aktres Susundan si Morenong Aktor

Eksklusibong Pasabog

a1.jpg

Tuloy nga ang ligaya! Magsasama na nga si Madaldal na Aktres at si Morenong Aktor sa kabilang network.

Ito ay matapos pumirma ng kontrata si Madaldal na Aktres sa kabilang bigating network kasunod ng pangangabilang bakod ni Morenong Aktor.

Minsan nang na-isyung nagkaroon ng short-lived affair ang dalawa at iniintrigang ito rin ang dahilan kung bakit nagpasyang lumipat sila sa kabilang network. Ito nga ba ay para ipagpatuloy ang kanilang naudlot na ligaya?

Bali-balitang itatampok ang dalawa sa isang bonggang-bonggang telenobela ng nasabing istasyon. Kasabay ng publisidad na ito ay ang patuloy namang pagdi-deny ni Madaldal na Aktres sa isyung namamagitan nilang dalawa ni Morenong Aktor habang wala namang kasawa-sawang "smile" lang parati ang pahayag ng huli.

Ano nga ba talaga atih at kowyah???

Posted by postergurl 5:40 AM Archived in Hitchhiking Comments (0)

Associate Ed, Balak Ligawan si Female Vocalista

Intriga Express

dahu5.jpg

DaHu nga ba si Showbiz Magazine Associate Editor na napapabalitang nagpapalipad hangin kay Female Vocalista?

Ayaw kumpirmahin ni Female Vocalista ang isyung ito dahil "very friendly" lang daw talaga itong si Associate Ed. And sa tingin nya ay alam din nito kung sino talaga ang gusto niya. Ito nga ay walang iba kundi ang kanyang Editor mismo.

Very friendly nga lang ba si Associate Editor kaya may "friendship" ding namumuo sa kanila dati ng Prinsesa ng Upper-eastside?

Hmmm... Careful, careful!

Posted by postergurl 3:11 PM Archived in Hitchhiking Comments (1)

(Entries 1 - 3 of 3) Page [1]