A Travellerspoint blog

Aug 2009

Ms. Y-O-U, Ms. Isyu, Ikaw Ba Ito?

Eksplosibo! Eksklusibo!

queen.jpg

Mga nag-gagandahang celebrities sa mga nagbabagang controversial isyu!

Ms. Isyu Contestant #1
Former Beauty Queen, not so over with former boyfriend?

Nahuli ng The Bash cam ang paghagulgol ni Former Beauty Queen sa isang party. Not once but twice daw pumalahaw ng iyak ang ating beloved beauty queen at ang dahilan daw ay ang mga natitira pang damdamin para sa kanyang ex. Is it tsinitong aktor or is it tsinitong aktor?

Is it true? Or is it fair?

Ms. Isyu Contestant #2
Reality Show Princess, nagwala na nga ba?

Ayon sa isang witness ay nagwala diumano si Reality Show Princess sa isang bar na dumadagundong na kahon. Dahil nga ba ito sa recent break-up nya with a nonshowbiz cutie? May I sing ala Concert Queen pa nga daw ito at May I dance like Dancing Queen pa daw ito sa loob ng bar. At ang pinaka-eksena daw ay ang pakikipaghalikan nya sa isang Newcomer Action Star! Gaano katotoo ito na okay lang sa kanya ma-involve sa Newcomer Action Star na ito kahit na mya dyowa pa ito?

Is it for real? Or is it just for reels?

Ms. Isyu Contestant #3
Beteranang Mestiza Beauty Queen, nag-iinarte?

Matinding attitude at projection daw diumano ang pinapakita ngayon nitong si Beteranang Mestiza Beauty Queen sa set. Nandiyang nagdadabog daw ito sa kanyang dressing room at nagmamaktol sa set. Minsan daw ay pinagsisigawan daw diumano nito ang mga scriptwriters at nagkainitan din daw sila ni Supermodel Heiress. At totoo kayang kaya naudlot ang provincial tour nila ay dahil na rin sa pagmamaldita niya?

Is she okay? Or is she all right?

Ms. Isyu Contestant #4
Upper East Side Princess, stalker?

Nalalapit na ang premiere telecast ng bagong show ni Upper East Side Princess at ito ay ang spin-off show ng CSI New York New York. Pero totoo nga ba na ang tunay na dahilan kaya niya tinanggap ang role sa bagong show ay upang sundan ang dating ka-churva nya na si Associate Editor?

Is she crazy? Or is she crazy in love?

Ladies, gays and gentlemen. Our lovely top four!

Babosh!

.

Posted by postergurl 8:11 PM Archived in Events Comments (0)

Upper Eastside Superstar, Noontime Show Host na!

eksklusibong pasabog!

charlie1.jpg

Bali-balitang si Upper Eastside Superstar na nga ang napiling papalit kay Willie sa Wowowee!

Panandalian daw umanong iiwan ni Upper Eastside Superstar ang seryeng kinatatampukan nya sa primetime para maging guest host ng ilang linggo sa sikat na noontime show.

Wala pang kumpirmasyon galing sa network management pero sya nga daw ang napipisil ng mga direktor at ng network producer.

Abangan!~

.

Posted by postergurl 9:55 AM Archived in Events Comments (0)

Salamat!

chika minute

Salamat po nang marami sa inyong buhay na buhay na suporta sa nakaraang The Bash Live sa Microtel presentation!!!

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa inyong lahat!!!

.

Posted by postergurl 10:11 AM Archived in Events Comments (0)

Abangan ang "The Bash: LIVE!"

chika minute

bash_logo.gif

Going LIVE po ang The Bash ngayong Sabado, ika-15 ng Agosto... sa Microtel!!!

  • **Ito po ang dahilan kung bakit naudlot ang launching ng new season ng show dahil sa offer na gawing ang live ang new season premiere!

Kitakits mga ka-bash!!!

.

Posted by postergurl 10:46 AM Archived in Events Comments (0)

Abangan Next Week!

chika minute

elite.jpg

Next week na ang pinakaaabangang new season ng lahat ng shows sa network! Isa na dito ang reformatting ng "The Bash! Walang Patawad!" with all the mas pinalakas na POVs, mas pinabagsik na "Hole in the Wall" at marami pang bagong matitinding segments! Ewan ko kung kakayanin ng powers ng inyong lola ang mga bagong segments na ito with all the nakaambang mga death threats, harassments, blackmailing, blackballing, at mga eksaherasyon!

Patuloy pa rin nating aantabayanan ang mga paborito nating Reality Shows sa kabilang dako pa roon. With new batches of artists, and programmings, na hinding-hindi palulusutin ng ating mga batikang correspondents na sina Bruhilda Ratsadora at marami pang iba!

Sa susunod na linggo na rin opisyal na magsisimula ang bagong-bihis na "Upper Eastside" with fresh new episodes na pagbibidahan ng mga bigating stars at mga mahuhusay na directors. Kasama na rito ang pagsisimula ni Hunk Cutie sa pag-didirehe ng kanyang own show -ang pinalakas na "Good Morning, Upper Eastside!". Kayanin nya kayang magpaka-publiko na this time gayong iwas-pusoy pa rin sya sa mga latest intrigas?

Pakaaabangan rin ang pagpasok ng bagong direktor ng isa sa mga shows. Kung sino siya at kung saan sya nanggaling? Abangan! ***Marahil ay nabalitaan nyo na ang naunsyaming pagpasok ni Macho Director sa show dahil na rin sa ayaw syang bitiwan ng kanyang manager at mga producers.

Ang lahat ng ito at marami pang iba!

Handa na ba kayo???

Ako? Hindi pa!

.

Posted by postergurl 7:36 PM Archived in Events Comments (1)

Quote-True-versial!

quote of the day!

Chubby Letah: "Walang teri-teritoryo sa akin! Kung saan ako nakatayo iyon ang teritoryo ko!"

Ito ang naging pahayag ni Chubby Letah nang i-ban sya sa Upper Eastside matapos ilathala ang eskandolosong mga larawan ng mga lead stars ng isang sikat na show.

.

Posted by postergurl 3:53 PM Archived in Women Comments (0)

Reality Show Director, Mahilig!

Intriga Express

DaHu si Reality Show Director na sobrang mahilig?

Bulong-bulungan ngayon sa lahat ng yosi breaks at sa masikip na pantry at mga cafeteria ang sobrang pagka-playboy ni Reality Show Director. Known as pabling naman talaga itong si Reality Show Director eversince na pumasok sya sa showbiz. No wonder, na lahat ng mga gurlalo na members ng kanyang production team ay nagseseksihan at nag-gagandahan halos simula nang i-turn over sa kanyang pangangalaga ang buong show.

Matalino, mabait, super-rich, gwapo (???) --- uu naman! Kasi friends kami! At punong-puno ng karisma si Reality Show Director, kaya naman hindi nakakalagpas sa kanyang mga mata ang sinuman na magugustuhan nya. Ang siste... Ah, basta! Yun na muna yon!

.

Posted by postergurl 3:47 PM Archived in Hitchhiking Comments (1)

Tsinitong Aktor at Former Beauty Queen, Nagkabalikan?

chika minute

Hindi totoo ang mga kumakalat na balita na muli na ngang nagkakamabutihan si Former Beauty Queen Turned Actress at si Tsinitong Aktor.

Ang dahilan: Nahuhumaling diumano si Tsinitong Aktor sa isa sa mga miyembro ng La Diva, at si Former Beauty Queen Turned Actress naman ay napapabalitang nililigawan muli ng kanyang ex na non-showbiz.

Pakisagot naman, ex-couple!

.

Posted by postergurl 3:15 PM Archived in Round the World Comments (0)

Hunky Director, Muling Nagbabalik!

Intriga Express

les.jpg

Bumalik na ngang muli si Hunky Director matapos ang ilang buwang pananahimik tungkol sa kanyang pagkawala sa dating show!

Sa paglalathalang ito ay mag-dadalawang linggo na ngang nagtatrabaho si Hunky Director, this time, bilang isa sa mga Talent Directors ng Network's Talent Center. Patunay na mananatiling kapamilya't kapuso ang ating minamahal at hinahangaang direktor.

Matatandaang naging isang malaking isyu ang kontrobersyal na pagkawala ni Hunky Director sa dating show dahilan upang magkaroon ng samot-saring haka-haka at teyorya ang kanyang mga dating katrabaho at mga tagahanga. Walang maibigay na tuwirang sagot ang mga taong malalapit sa kanya maliban sa isa sa mga Network Big Bosses na minsan nang nagbigay ng isang formal statement para pasinungalingan ang mga malisyosong isyu na nagsasangkot kay Hunky Director. Gayundin ang isa sa dati nyang alaga na si Premyadong Newscaster. Gayunpaman, walang narinig na anumang pahayag o sagot kay Hunky Director dahilan upang mas lalong nagkainteres ang publiko.

Ngayon sa kanyang muling pagbabalik ay marami pa ring katanungang naghihintay ng mga kasagutan. Pero para sa amin na nagmamahal sa kanya ay di na importante iyon. Ang mas mahalaga, ay muli natin syang makakapiling!

Welcome back Hunky Director!

More chika sa aming pagbabalik. Babosh!

.

Posted by postergurl 2:33 PM Archived in Round the World Comments (0)

Ang Pagbabalik ng The Bash!

Chika Minute!

bash_logo.gif

Buhay pa po kami!

Alam ko pong miss na miss nyo na ang inyong lingkod pero dahil sa maraming kadahilanan ay di po namin masyadong naa-update lately ang paborito ninyong palabas dahil na rin sa samut-saring kontrobersyang kinasasangkutan ng ating show. Hanggang ngayon ay hinihintay po muna naming ma-lift ang mga restraining orders dahil hindi po kami papayag na harangin ang buong katotohanan at lahat ng katutuwaan para sa minamahal naming mga taga-subaybay.

Binigyan na po tayo ng go-signal ng ating mabait na producer at kasalukuyan na pong niri-reformat ng bago nating direktor ang pagpapalabas ng new season ng The Bash - Walang Kahabag-habag! Walang pata-patawad! At sana po ay patuloy nyong tatangkilikin at paka-subaybayan ang nag-iisang... THE BASH!

.

Posted by postergurl 12:05 PM Archived in Events Comments (0)

Sexy Morenang Aktres, Ikinasal na!

Eksklusibo! Eksplosibo!

kiam.jpg

Kaya nawawala sa show dahil ikinasal na nga ba?

Bali-balita ang sekretong pagpapakasal ni Sexy Morenang Aktres sa kanyang Canada-based boyfriend kamakailan. Noong nakaraang buwan lamang ay umuugong ang tsismis na nag-propose na nga ito sa kanya sa Boracay noong nakaraang buwan. At kahapon lamang ay may I change na ang civil status nito na "married" nang lumabas ito ng bansa- at ito daw ay para sa kanilang honeymoon!

Magdadalawang buwan na rin nating di napagkikita si Sexy Morenang Aktres sa show. Matapos syang humiling sa management ng dalawang buwang pahinga na itinaon naman nya sa kanyang kaarawan at sa pagdating ng kanyang noon ay boyfriend pa lamang. Nagawan naman ito ng paraan ng management at ng production team para i-revise ang script. Mapapanood muli si Sexy Morenang Aktres sa kalagitnaan ng show next season!

More sa pagbabalik ng The Bash!

.

Posted by postergurl 10:36 AM Archived in Women | Philippines Comments (1)

(Entries 1 - 11 of 11) Page [1]