A Travellerspoint blog

Intriga R and R and R

Return of the Rumors, Retributions and Revelations!

as.jpg

Isyu#2: Sino si Female Young Actress na nakatsuktsak ni Malibog na Starstruck Male Survivor?

Isang pagtatapat.

Isang pagpapahayag.

Isang pagpapaliwanag.

Matatandaang pinalabas ni Female Young Actress na titigil na sya sa showbiz para mag-aral abroad. Pero taliwas sa kanyang naging pahayag ay ang agaran nyang pagpirma ng kontrata sa kabilang network na ikinagulat ng madlang pipol. Dulot nito ay ang simula ng mga haka-haka kuro-kuro chika-chika at menggah-menggah!

Alin nga ba sa mga sumusunod ang tunay na dahilan ng kanyang paglipat ng network?

a.) Nabuntis nga ba si Female Young Actress ng kanyang dyowa?

b.) Nabuntis nga ba si Female Young Actress ni Malibog na si Starstruck Male Survivor?

c.) Nabuntis nga ba si Female Young Actress ni Harry Potter?

d.) Nabuntis nga ba si Female Young Actress ni Playboy Palaboy kaya lumipat na rin sya sa network kung saan may teleserye na rin ang aktor?

e.) None of the Above

Ang Pagtatapat
Nakatanggap po ang aming correspondent ng tawag mula kay Female Young Actress upang linawin ang isyung ito bago pa man lumala at magdulot ng kontrobersya sa bago niyang network. Opo, mag-iilang buwan na ring nasa kabilang network si Female Young Actress at ngayon po ay ang buong pahayag niya tungkol sa totoong dahilan ng kanyang paglipat.

Ang Pagpapaliwanag
"d.) None of the Above.", ito ang tuwirang sagot ni Female Young Actress. Hindi sya na-ABCD. "Mas malaki lang po talaga ang offer sa kabilang network. Yun lang po ang tunay na dahilan. At totoo pong mag-aaral na ako sa abroad pero sa susunod na pasukan pa. Kaya po ako lilipat sa network na may mas malaking offer ay upang makapag-ipon ako ng pampaaral.", ang mangiyak-ngiyak na pahayag ni Female Young Actress na dati ay mas nakilala natin na bidang-bida sa mga pambatang pa-wholesome na shows.

Ang Pag-amin
"Once and for all, gusto ko na pong tapusin tong mga isyung ito!"

"Minsan lang po yung sa amin ni Playboy Palaboy at kalimutan na po natin yon. At wala pong katotohanan ang tsismis na nag-motel kami ni Harry Potter."

Inamin rin ni Female Young Actress ang isyu na nagsasangkot sa kanya at kay Malibog na Starstruck Male Survivor. "Inaamin ko po na minsan ay nagkasama kami sa isang houseparty pero wala po talagang nangyari kahit itanong nyo pa kay Bratinellang Aktres. At, ew! Ayoko syang patulan noh!"

Tinanong naman namin itong si Bratinellang Aktres pero isang napaka-kontrobersyal na smile lamang ang itinugon nya.

Alin kaya sa mga naging pahayag ni Female Young Actress ang totoo? Hmmm... Ayaw ni Harry Potter nyan!

Next on The Bash!
Isyu#3: Sinu-sino nga ba sa The Bash Most Wanted List ang nakatsuktsakan na ni Harry Potter sa showbiz?"

Posted by postergurl 18:18

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Bwahhahaha!!!

Kinsa si Harry Potter oi?!

by dbrat

i know who harry potter is! :)

by agentzyra

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint