A Travellerspoint blog

Intriga R and R and R

Return of the Rumors, Retributions and Revelations!

Return of The Bash!

At sa aming pagbabalik ay isang pagkikimkim na handa nang ipahayag sa lahat.

Isang pagtatapat.

Isang pagpapahayag.

Isang pagpapaliwanag.

Isyu#1: Ang Buong Katotohanan sa Likod ng Gusot na Namamagitan kina Manay Basher at ng Malibog na si Starstruck Male Survivor !

Kamakailan lamang ay nagdulot ng matinding intriga ang mga status updates ni Manay Basher sa kanyang twitter at Facebook account patungkol sa isang male PBB housemate. Iilan lamang daw sa malalapit sa kanya ang nakakakilala kung sino ang pinapasaringan niya pero di maikakailang si Malibog na Starstruck Male Survivor ang tinutukoy nito.

Pero ano nga ba ang dahilan ng matinding galit ni Manay Basher kay Malibog na Starstruck Male Survivor gayong noong nakaraang taon lamang ay tila anak-anakan na ang turing ni Manay Basher sa kanya?

Ang Pagtatapat
Sa isa sa mga status ni Manay Basher sa kanyang FB account ay ipinost niya ang sumusunod:

"...is kicking Malibog na Starstruck Male Survivor out of Big Brother's house for ransacking my door and for f#&%ing someone on my floor."

Ilan sa mga matatalik na kaibigan ni Manay Basher ang nagpahayag sa totoong pangyayari.

Loofah Gutierrez: Sinira daw kasi ni Malibog na Starstruck Male Survivor ang door ng condo unit na tinitirhan nila. Twice na daw tong nangyari and this time nagdala pa daw ng prostitute. My gosh!

Vetsin Barreto: At ang ikinalokah ni Manay Basher ay nag-iwan pa daw sila ng prosti ng mga nakakadiring ebidensya. At si Manay Basher pa ang nagligpit. Hay naku, ayoko na! (walks out)

Kasunod nito ay ang developments kung saan kumpirmadong napatalsik na niya ang nasabing aktor.

"...doesn't need your SORRY. I need you to leave the house so you can live your whorey life!"

"...will wait for Malibog na Starstruck Male Survivor to finish moving out. Have to make sure that he's not taking any of my things."

Ang Pagpapaliwanag
Sa maikling panayam namin kay Manay Basher ay ipinaliwanag niya ang buong dahilan kung bakit niya pinalayas si Malibog na Starstruck Male Survivor.

Manay Basher: Hindi ko naman siya pinalayas gaya ng mga naglalabasan sa tabloid. Naging maayos naman ang pagpapa-move out ko sa kanya. Ganito kasi yon, twice na kasi tong nangyari na nagdala siya ng babae. Una kasi doon sa dati kong tinitirhan kung saan nakikitulog sya sa kwarto ko pag may shooting ako. Pinalampas ko yon at ito na naman sa bagong bahay. Okay lang naman sa akin kasi nagbabayad din naman sya ng renta pero ang point ko is nakakabastos kasi. And besides, gamit ko kaya lahat ng nasa house. Meaning, nakikipagtsuktsakan sya sa kama ko, sa kumot ko, sa unan ko? My gesh! Nakakabwiset di ba? At isa pa, pangalawang beses na rin niyang sinira ang pinto ng bahay. Kaya yon. Tinext ko sya na kung puwede maghanap na sya ng malilipatan. And I think I was being kind pa na binigyan ko pa sya ng ilang days na makapaghakot at isinauli ko pa ang pera nya no para may pambayad sya sa kanyang malilipatan.

Ang Resulta
Wala na nga si Malibog na Starstruck Male Survivor sa poder ni Manay Basher. At tuluyan na ring wala na syang career. Matagal-tagal na rin kasing nilalangaw itong si Malibog na Starstruck Male Survivor right after kumalat ang mga bad publicity about him. Isa na rito ay ang pagkakabansag niya na isa diumano syang"Male Whore" na kung kani-kanino lang daw nakikipagtalik kaya may lumalabas na isyu na nagkakalat daw ito ng sakit. Matanong nga natin ang isa sa mga na-tsuktsak nya na si Female Young Actress na kamakailan lamang ay lumipat na sa kabilang istasyon.

Next on The Bash!
Isyu#2: Sino si Female Young Actress na nakatsuktsak ni Malibog na Starstruck Male Survivor?

Posted by postergurl 12:16

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

I. Know na! =)

by dbrat

i dont know pa!!

by bonsai

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint