A Travellerspoint blog

Hunky Director, Muling Nagbabalik!

Intriga Express

les.jpg

Bumalik na ngang muli si Hunky Director matapos ang ilang buwang pananahimik tungkol sa kanyang pagkawala sa dating show!

Sa paglalathalang ito ay mag-dadalawang linggo na ngang nagtatrabaho si Hunky Director, this time, bilang isa sa mga Talent Directors ng Network's Talent Center. Patunay na mananatiling kapamilya't kapuso ang ating minamahal at hinahangaang direktor.

Matatandaang naging isang malaking isyu ang kontrobersyal na pagkawala ni Hunky Director sa dating show dahilan upang magkaroon ng samot-saring haka-haka at teyorya ang kanyang mga dating katrabaho at mga tagahanga. Walang maibigay na tuwirang sagot ang mga taong malalapit sa kanya maliban sa isa sa mga Network Big Bosses na minsan nang nagbigay ng isang formal statement para pasinungalingan ang mga malisyosong isyu na nagsasangkot kay Hunky Director. Gayundin ang isa sa dati nyang alaga na si Premyadong Newscaster. Gayunpaman, walang narinig na anumang pahayag o sagot kay Hunky Director dahilan upang mas lalong nagkainteres ang publiko.

Ngayon sa kanyang muling pagbabalik ay marami pa ring katanungang naghihintay ng mga kasagutan. Pero para sa amin na nagmamahal sa kanya ay di na importante iyon. Ang mas mahalaga, ay muli natin syang makakapiling!

Welcome back Hunky Director!

More chika sa aming pagbabalik. Babosh!

.

Posted by postergurl 14:33 Tagged round_the_world

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint